in

Website ng Regione Lazio, inatake ng mga hackers

Under cyber attack ang website Regione Lazio. Kasalukuyang offline ito at naka-block ang booking para sa bakuna dahil sa naging pag-atake ng mga hackers”.

Ito ang deklarasyon ni Nicola Zingaretti, ang presidente ng Regione Lazio sa ginawang press conference ngayong araw, ukol sa naging pag-atake ng mga hacker sa website ng rehiyon.  

Ito ay ang pinakamalalang pag-atake na dinanas ng rehiyon at humihingi ng paumanhin si Zingaretti sa mga mamamayan. “Kami ay nagsusumikap na mabigyang solusyon ang problema”, aniya. Samantala, ang mga ahente ng Postal Police ay patuloy ang pagsusuri sa computer system.

Offline ang website ng rehiyon dahil sa dalawang dahilan: sinusuri ang sistema at upang maiwasan ang pagkalat ng virus”, dagdag pa ni Zingaretti. 

Gayunpaman, ay walang hinto sa pagbabakuna sa rehiyon. “Kahapon – ayon kay Assessor Alessio D’Amato – ay umabot sa 50 libong ang bilang ng mga nabakunahan“.

Umatake ang mga hacker makalipas ang hatinggabi ng Sabado mula sa ibang bansa at hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling nasa loob pa rin ng sistema. Nakalusot umano ang mga ito dahil na-clone ang profile ng admin ng website at nai-block ang Centro Elaborazione Dati. Sa katunayan, ay nagkaroon rin ng ikalawang pag-atake ngunit ito ay naagapan. Ayon pa sa mga ulat, ang mga hackers umano ay humihingi ng malaking bitcoin ransom. 

Paano ang mga naka-schedule na? 

Ang sinumang mayroonng appointment para sa bakuna – una at ikalawang dose – ay maaaring magpunta direkta sa vaccination center nang walang problema sa petsa at oras ng kanilang appointment. Sa katunayan, hanggang August 13 ay mayroong naka-schedule na 500,000 katao na babakunahan.  

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Moderna Ako Ay Pilipino

Moderna, may pahintulot na para sa mga kabataan mula 12 anyos

ako-ay-pilipino

Quarantine ng colf mula sa bakasyon, ituturing na permesso non retribuito