in

Zona arancione, ang regulasyon

Sa mabilis na muling pagtaas ng mga infected sanhi ng mabagsik na Omicron variant ay nagbabalik din ang mga restriksyon ng mga color zone. At dahil sa bakuna kontra Covid19, ang mga restriksyon kumpara noong nakaraang taon ay maraming pagbabago. Partikular, ang mga mayroong Super Green Pass ay minimal lamang o halos walang magiging pagbabago sa araw-araw na pamumuhay. 

Gayunpaman, ang parameters para mapabilang sa elevated risk o yellow zone ay ang sumusunod:

  • Higit sa 150 cases sa bawat 100,000 residente;
  • Higit sa 20% ang bed occupancy sa ICU;
  • Higit sa 30% ang hospitalization sa medical area

Orange zone, ang regulasyon

Ang regulasyon sa orange zone ay mahigpit, partikular para sa hindi bakunado. Ang mga hindi nagpabakuna ay may pahintulot na mag-circulate o magkaroon ng movement sa sariling munisipalidad o Comune. Ngunit kung pupunta sa ibang Comune o ibang Rehiyon ay kakailanganin ang dating Autocertificazione, na magpapatunay ng dahilan ng movement: kalusugan, trabaho o pangangailangan dahil ang serbisyon kailangan ay wala sa sariling Comune. Ito ay kung gagamit ng sariling sasakyan. Samantala, hindi kakailanganin ang Autocertificazione sa pagpunta sa ibang Comune na may hanggang 5,000 residente, sa loob ng 30 kilometro, maliban sa capolugogo ng provincia.

Samantala, kakailanganin ang Super Green Pass sa pagsakay sa mga public transportation tulad ng train, autobus, metro, tram.  

Shops at mga tanggapan 

Ayon sa kasalukuyang mga regulasyon hanggang sa kalahatian ng Enero ay walang paghihigpit sa access sa mga services, supermarkets, shops at malls sa orange zone. 

Ang access sa mga malls ay may pahintulot lamang sa weekdays maliban sa mga supermarkets, newsstands, bookstores, pharmacies and cigarette shops (na nasa loob ng mall), ngunit ang access ay para lamang sa mga mayroong Super green pass.

Workplace

Nananatili ang kasalukuyang regulasyon: sapat na ang pagkakaroon ng Basic Green pass (na makukuha din sa pamamagitan ng Covid19 test). Ngunit pinag-aaralan ng gobyerno ang pagpapatupad ng karagdagang paghihigpit o ang pagkakaroon ng Super Green Pass. Marahil na simulan sa Pebrero upang mabigyan ng sapat na panahong makapag-pabakuna.  

Bars at restaurants

Ang decreto festività ay nagbigay daan sa obligadong pagkakaroon ng Super Green pass kahit sa mga papasok sa bar para magkape sa counter. Pareho ang regulasyon sa mga restaurants: ang Super Green pass ay kakailanganin na din kahit sa open space ng mga restaurants.

Sports

Ang access sa mga gym at swimming pool ay kakailanganin ang Super Green pass. Kakailanganin din ang Super green pass kahit sa indoor team sports. 

Thermal bath at spa, museum at exhibits

Ang Super Green pass ay mandatory sa orange zone para sa mga wellness center, spa, at theme park. Super Green pass din para sa mga exhibits, museums, bingo house at casino.

Reception, religious events at mga okasyon

Kailangan ang Super Green pass sa orange zone.

Cinema, theaters at stadium

Para sa mga cinema, theaters at stadium, ay mandatory ang pagkakaroon ng Super Green Pass.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 2.5]

Carta Acquisti, mga requirements sa taong 2022

Green pass, narito ang regulasyon sa mga menor de edad