Pagsasara ng mga negosyo, bar, restaurants sa panahon ng Kapaskuhan.
Ito ang posibleng maging desisyon ng gobyerno upang maiwasan ang mga kaganapan ng mga huling nagdaang araw sa lahat mga pangunahing lungsod sa bansa tulad ng Roma, Milan, Napoli at iba pa. Dumagsa ang napakaraming tao para mamasyal, mag-shopping at kumain sa mga restaurats kasama ang pamilya o mga kaibigan, na marahil ay epekto din ng paglulungsad ng Cashback.
Mga bagay na dapat iwasan dahil kung saan may siksikan ng maraming tao ay mas mataas ang posibilidad ng pagkalat ng Covid19, na patuloy na nagpapahirap sa lahat ng mga ospital sa bansa.
Upang ito ay mapigilan, isang agarang pagpupulong ang kasalukuyang nagaganap sa mga oras na ito, kasama ng Gobyerno ang Comitato Tecnico Scientifico o CTS, at Ministry of Interior upang magdesisyon para sa mga karagdagang restriksyon.
Ayon sa ulat ng mga pangunaging pahayagan sa bansa, ‘modelo ni Merkel’ o ang lockdown na ipatutupad sa Germany mula December 16 hanggang January 10, umano ang inaasahang iaanunsyo sa mga susunod na oras ng Gobyerno.
Para sa Italya, ito ay nangangahulugan ng pagsasailalim sa buong bansa sa ‘zona rossa’.
Matatandaang hanggang Dec 12, ang Abruzzo bilang huling rehiyon sa zona rossa, na tuluyang nalipat sa zona arancione.
(PGA)