in

2013 simula ng ganap na paggamit ng self-certification ng mga imigrante

Simula sa susunod na taon, ang self-certification ay gagamitin ng mga imigrante maging sa mga permit to stay at iba pang mga dokumentasyon na tinutukoy sa Immigration law. Ito ay ang nasasaad sa isang susog sa Batas sa simplifications.

altRoma – Marso 14, 2012 – Simula sa susunod na taon ang mga imigrante ay hindi na kailangan pang ilakip ang mga orihinal na sertipiko sa application para sa permit to stay o iba pang mga pinoprosesong dokumentasyon. Tulad ng mga Italians at ng mga EU nationals ay maaari na ring patunayan sa pamamagitan ng mga self-certification ang mga impormasyon o detalye na tinataglay na ng public administration na magiging handa simula 2013 sa beripikasyon ng mga ito.

Ito ay napapaloob sa bill ng mga atas ng simplifications na pahihintulutan na ng Chamber of Deputies. Ang teksto, noong nakaraang linggo ay nakuha ang boto, at dapat ding pumasa sa Senado para sa huling pahintulot bago ito tuluyang ipatupad.

Upang maunawaan ang bagong patakaran, ay dapat alalahanin ang mga kaganapan ilang buwan na ang nakaraan. Mula noong nakaraang 1 Enero, sa katunayan, ay ipinatutupad ang isang bagong patakaran na hindi na pinahihintulutan ang pagbibigay ng Public Administration ng mga sertipiko, na naglalaman ng mga impormasyon na tinataglay na sa kanyang data base. Ito ay nagpalawak ng paggamit ng mga affidavits, na tinatawag na self-certification.

Ngunit ito ay hindi naganap, dahil katapusan ng Enero ng lumabas ang isang circular buhat sa Ministero dell’Interno na naglilinaw na kasalukuyang pa ring ipinatutupad ang isang patakaran ng TU ukol sa Administrative Documentation (Documentazione Amministrativa) at sa regulasyon ng pagpapatupad (implementing rules and guidelines) TU sa imigrasyon ay nasasaad: ‘ang mga non-EU nationals, ay maaaring gumamit ng mga affidavits (self-certification) maliban na lamang kung napapailalim sa mga espesyal na probisyon na nilalaman ng batas at mga regulasyon ukol sa imigrasyon at ng kundisyon ng dayuhan.  

Iilang linya lamang, ngunit napakahalaga. Ibig sabihin, halimbawa, ang mga criminal certificate (certificati del casellario giudiziale)  at ang certificate of pending proceedings (carichi pendenti)ay kinakailangan pa rin sa paghiling ng kilalang ‘carta di soggiorno’, ang mga nawalan ng trabaho ay mananatiling magbibigay ng sertipiko ng pagpaparehistro sa employment agency at para sa mga mag-aaral ang sertipiko buhat sa university sa kanilang renewal ng mga permit to stay.

Sa panahon ng conversion ng decreto di semplificazione, isang amendment ang inilahad ng PD na nagtanggal ng ‘exemptions’ na inihayag sa TU ukol sa Administrative Documentation at sa regulasyon ng pagpapatupad ng TU sa imigrasyon. Samakatwid, ang mga non-EU nationals na legal na naninirahan sa Italya, ay maaaring gumamit ng self-certification maging sa mga dokumentasyon na nilalaman ng immigration bureaucracy.
Ang bagong patakaran ay ipatutupad simula 1 Enero 2013. Samantala, ang Interior Ministry at ang kumakatawan sa Public Administration ay haharapin ang pagsasalin ng mga mahahalagang impormsyon mula sa kanilang tanggapan sa mga Questure at mga prefecture.

Ang sospension ay kinakailangan, dahil hanggang sa ngayon, ang kawalan ng link ng mga database, ay maaaring magpahaba ng panahon ng proseso. Ang isang Questura, na abala sa renewal ng mga permit to stay sa pag-aaral, halimbawa, upang ma-verify ang self-certification ay kailangang humingi sa university ng isang ulat ng mga exams ng humihiling ng renewal ng permit to stay  at kailangang isantabi ang dokumentasyon hanggang sa pagdating ng kasagutan ng university. Samantala, sa susunod na taon, kung magiging handa na ang lahat, ay malulutas ang lahat ng beripikasyon sa pamamagitan lamang ng isang click. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Azkals wins against Tajikistan

Mga dayuhang hindi regular sa Italya, bumaba sa bilang