Aprubado ang "bagong tulong para sa lahat at suporta sa sahod”. Minimum na dalawang taong residensya at hindi hinahanap ang citizenship.
Trieste – Hulyo 6, 2015 – Aabot ito hanggang € 550 kada buwan para sa mga pamilyang higit na nangangailangan sa loob ng dalawang taon. Bilang kapalit, ay papasok sa mga formation courses para sa labor inclusion at higit sa lahat, layunin nito ang mapabuti ang kanilang pamumuhay.
Ito ay tinawag na "aktibong tulong para sa lahat” na unang tinawag na “reddito di cittadinanza” na inaprubahan noong nakaraang Lunes ng Friuli Venezia Giulia Regional Council. Ito ay papakinabangan rin ng mga imigrante kung matapos ilathala ang implementing rules and guidelines, ay magsusumite ng aplikasyon.
Ang tanging requirement ng bagong batas upang makatanggap ang tulong pinansyal ay ang sitwasyong pinansyal lamang ng pamilya na mapapatunayan sa pamamagitan ng ISEE. Ito ay hindi dapat lalampas sa 6,000 euros, at ang isa sa miyembro ng pamilya ay dapat na naninirahan sa nabanggit na Rehiyon ng hindi bababa sa dalawang taon. Walang nabanggit ukol sa citizenship at samakatwid ay walang diskriminasyon.
Ngunit sa Trieste ay iba kaysa sa Milan. Dahil kahit ang Lombardy Region na pinamumunuan ni Roberto Maroni ay kasalukuyang gumagawa ng paraan para sa pagpapatupad ng “reddito alla cittadinanza”, ngunit ang gobernador kasama ang kanyang mga followers ay hindi kailanman huminto na ulit-ulitin ang kanilang statement na ang mga imigrante ay hindi kasama sa benepisyo .