in

Apat na Filipino, kandidato sa halalan sa Padua

Sa katapusan ng buwan ay boboto ang mga dayuhan upang piliin ang Commission na syang maghahatid ng mga panukala at mga opinyon sa konseho ng lungsod ng Padua at sa mga district nito. 46 ang mga kandidato at narito ang mga tagubilin sa sampung wika, kabilang ang tagalog.

altRome – Nalalapit na ang halalan upang bigyang tinig ang mga migrante sa Munisipalidad ng Padua. Sa Nobyembre 27, mula 8:00 hanggang 20:00, lahat ng mga dayuhang residente sa lungsod ay maaaring bumoto sa Fiera di Padova (sa Via Niccolò Tommaseo No 59) upang piliin ang mga magiging bahagi ng “Commission” para sa representasyon ng mga dayuhan.

Ito ay isang bagong advisory body na maaaring maghatid ng mga mungkahi o panukala o maghayag ng mga opinyon na susuriin ng iba’t-ibang mga kinatawan na namamahala sa Lungsod. Ang Presidente o ang Vice President ng Komisyon ay lalahok sa mga konseho, habang ang mga miyembro nito at delegates ay makikilahok naman sa mga gawain ng Konseho ng Lungsod at ng mga konseho sa iba’t ibang Distrito.

Ayon sa regolamento na inaprubahan ng Munisipalidad, ang komite ay bubuuin ng 25 na miyembro na kasama ang Mayor (o ang kanyang delegado), dalawang konsehal ng Lunsod mula sa majority at minority groups. Ang mga Lalaki o babae na mahahalal ay dapat na umabot sa 25% ng kabuuang bilang, at dapat na mayrong mga kinatawan mula sa apat na kontinente: North Africa at sa Gitnang Silangan, Sub-Saharan Africa, ang Amerika, Asya, Europa.
Sa Nobyembre 27 ang mga botante ay maaaring pumili sa 46 mga kandidato (narito ang kumpletong listahan), sa pamamagitan ng paglalagay ng isang x sa pangalan o sa simbolo. Ang unang 10ng mahahalal ay ang sampung may pinakamaraming boto ng 10 pinakamalaking nationalities sa Padua (Moldava, Albania, Ukrainia, Morocco, Tunisia, Nigeria, Philippines, China, Bangladesh, Sri Lanka). Ang mga susunod ay mahahalal ay batay sa dami ng boto, kahit ano ang nasyonalidad, hanggang sa ika-labinlima. Kung isasama ang kasarian at ang kinatawan ng pagmumulang kontinente, ang Komisyon ay mahahalal, kung hindi ay magdadagdag ng 25 miyembro.

Upang ang halalan ay maging wasto, dapat na bumoto ang 15% ng mga rehistrado, isang korum ng 2500 mga tao. Matatagpuan sa link sa ibaba na maaari i-download ang mga tagubilin sa wikang tagalog na  inilathala ng lungsod ng Padua.

Tagalog

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso per motivi familiari. Ano ang mangyayari kung maghihiwalay ang mag-asawa?

Life imprisonment para kay Winston Manuel Reyes