Ilang araw makalipas ang dalawang click days, December 2 at 4, ay nagpalabas ng updates ng Ministry of Interior sa official website nito. Umabot na ang mga application forms sa 320,000.
“Ang mga application forms ay regular na natanggap ng itinalagang platform ng Ministry”, ayon sa komunikasyon ng ministry.
Ayon pa sa Minsitry, naging regular umano ang daloy ng mga operations ng platform sa kabila ng mataas at sabayang pag-access sa system. Bagaman sa ilang kaso, nagsanhi umano ito ng pagbagal at mas mahabang paghihintay upang makumpleto ang proseso ng pagsusumite ng application online.
Gayunpaman, sa unang araw ng clcik day, noong Decembre 2, sa unang 4 na minutos mula 8:00 am, 50,576 mga application forms ang naisulite para sa non-seasonal subordinate job. Matatandaang ang nakalaang bilang o quota ay 39,030 lamang. Noong Dec 5, 3 araw makalipas ang click day, ang mga application forms na naisumite ay umabot na sa 242,826.
Samantala, sa unang 4 na minutos ng December 4, ikalawang araw ng click day, na nakalaan para sa domestic job, 11,363 ang mga application forms na natanggap ng sistema. Ang nakalaang bilang o quota ay 9,500 lamang. Ang mga application forms na natanggap ng sistema isang araw makalipas ang click day ay 76,711.
Matatandaang may kabuuang bilang o quota na 52,770 (39,030 + 9,500 + 4240) ang inilaan ng Decreto flussi 2023 para sa sa unang dalawang araw ng click days, December 2 at 4. Bukod sa mga nabanggit, naglaan din ang Decreto flussi 2023 ng bilang o quota na 4240 para sa conversion ng mga permessi di soggiorno at para sa mga italian workers na residente sa Venezuela.
Ang lahat ng mga application forms ay idi-distribute ng sistema sa mga provincial area ng bawat Sportello Unico per l’Immigrazione, at ipo-proseso batay sa chronological order ng pagsusumite ng mga ito batay sa limitasyong itinalaga ng batas.