in

Bagong dekreto para sa mga seasonal workers, malapit na

Simula na ang countdown para sa mga seasonal workers para sa ilang buwang trabaho sa sektor ng agriculture at tourism. Ang application, online.

Rome – Marso 6, 2013 – Halos 30,000 mga non-EU seasonal workers ang maaaring makapasok sa Italya ngayong taong ito sa pamamagitan ng ‘decreto flussi’. Pansamantala ngunit mahalagang manpower sa mga sektor ng agriculture gayun din sa mga hotels at restaurants.

Ayon sa mga unang detalye, na maaaring kumpermahin sa mga susunod na araw, ang bagong dekretong nabanggit ay handa na at hinihintay na lamang ang mga huling pormalidad na pagdadaanan nito bago ito tuluyang ilathala sa Official Gazzette at upang ganap na makapagsumite naman ng aplikasyon ang mga employer. On line pa rin ang sistema ng pagpapadala online.

Tulad sa nakaraan, ang dekreto ay mayroong listahan ng mga bansang maaaring panggalingan ng mga workers. Maaaring manatiling tulad noong nakaraang taon tulad ng: Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia-Herzegovina, Croazia, Egypt, Philippines, Gambia, India, Kosovo, Ex-Yugoslavia, Morocco, Moldavia, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine at Tunisia.

 “Inaasahan namin na ang publikasyon nito ay magiging mabilis, upang makarating sa tamang panahon ang mga workers sa unang ani”, ayon kay Romano Magrini, buhat sa Coldiretti. “Sa taong ito – ayon kay Magrini – ang sitwasyon ay mas maganda dahil ipinatutupad na ang multi-annual permits na nagpaahintulot sa pagpasok ng mga seasonal workers kahit anong buwan ng taon ng hindi naghihintay ng anumang dekreto”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Health Assistance ng mga dumating sa Italya pamamagitan ng family reunification

238,557 OFWs ibinalik bilang botante