in

Bagong kasunduan, ipinatutupad na ngunit kulang pa ang pirmahan sa Ministry

Ipinagpaliban sa Setyembre ang pagpirma ng mga unyon at asosasyon ng mga employer sa harap ni Minister Enrico Giovannini ng Labor. Mesina (Filcams CGIL): "Ito ay isang mahalagang aspeto at hudyat laban sa irregular job”. 

Rome – Hulyo 26, 2013 – Isang obligasyon bilang paunang salita: ang nuovo contratto del lavoro domestico ay ipinatutupad na. Simula noong nakaraang Hulyo 2013, ay sinimulan ang mga pagbabago para sa colf, caregiver at babysitter at para sa mga pamilyang kanilang pinaglilingkuran.
 
Ang kasunduan ay nilagdaan ng mga unyon ng manggagawa at ng mga asosasyon ng employer, gayunpaman, ay may kulang pa rin: ang pagpirma sa nasabing kasunduan kaharap mismo si Minister Enrico Giovannini ng Labor. Isang karagdagang hakbang, walang anumang epekto sa pagpapatuapd ng bagong kasunduan, ngunit isang simbolo ng kalahagahan ng kasunduan.

Inaasahan ng mga kinatawan ng manggagawa at mga employer na sila ay tatawagin at titipunin sa Via Fornovo noong katapusan ng Hunyo, bago ipatupad ang bagong kasunduan. Ipinagpaliban ang inaasahang pulong at maaari diumanong ituloy ito bago ang buwan ng Setyembre. Kawalan ng interes? Hindi naman yata.
 
"Humaba ang panahon dahil ang Ministry ay ninais na pag-aralang mabuti ang bagong kasunduan, bawat linya, bago pa man sumapit ang pagpirma ng teksto sa harapan ng Ministro. Ito ay isang mahalagang sensyales, at kami ay maligaya dito”, ayon kay Giuliana Mesina, ang National Segretary ng Filcams Cgil.   
 
Ngunit bakit ganito kahalaga ang pirma sa kasunduan sa Ministry of Labor?
 
"Ito ay isang karagdagang aspeto. Nangangahulugan ng pagtatanggal sa bahaging palso ng kontrata, “pirata” sa sirkulasyon, na hindi
nilagdaan ng kinatawan ng mga unyon ng manggagawa, na bumabalik sa mga manggagawa”, paliwanang ng mga kinatawan ng union. “Bukod dito ay isang mahalagang senyales laban sa iregular na trabaho. Isang paraan upang bigyang-diin na ang isang sektor na puno ng katiwalian sa iregular na trabaho at ng kawalan ng pormalidad, ay mayroong batas na kailangang ipatupad”. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“STOP CHINA’S INVASION OF THE PHILS” PROTEST RALLY, KASADO NA SA HULYO 25 SA ROMA

Colf, caregiver at babysitter – Paano kalkulahin ang araw ng bakasyon o ferie?