Ito ang mga kaganapan sa Borgo Trento, Verona. Apat ang nagsimula ng agresyon: sinubukan ding pasagasaan ang 13 taong gulang sa isang sasakyan. Iniimbestigahan ng mga pulis.
Verona – Patuloy ang pag-sisiyasat ng mga pulis sa mga salarin ng isang agresyon kung saan naging biktima ang isang 13 taong gulang na Sri Lankan sa Borgo Trento, Verona.
Naganap noong nakaraang Biyernes, at iniulat ng ‘Arena’. Apat diumanong mga kalalakihan ang tumulak sa isang binatilyo, kumuha ng bakal mula sa motorsiklo at hinampas sa binatilyo. Mga pangyayaring naganap sa panahon kung kaylan mataas ang tensyon ng rasismo.
Isang araw bago ang agresyon, ang apat ay inunsulto ang binatilyo, mga panunutyang rasismo. Nang sumunod na araw ay ang agresyon: Isa sa apat na lalaki ang nagbuhos sa mukha ng binatilyo ng serbesa na hawak nito bago tuluyang itapon ang bote nito.
Ang apat ay sinubukan ring pasagasaan ito sa tumatakbong sasakyan, ngunit sa kabutihang-palad ay hindi nagtagumpay ang mga ito. Ang mga kaibigan ng binatilyo at mga kaklase, ayon sa Arena, ang tumawag ng mga pulis na dumating naman matapos ang ilang sandali.
Ang labintatlong taong gulang na Sri Lankan ay namamaga sa pasa ang mga mata at nasugatan sa likod dahil sa hampas ng bakal. Ang mga pulis ay iniimbestigahan ang insidente.