Simula sa July 8, ang marca da bollo at bollettino para sa aplikasyon ng italian citizenship ay maaaring bayaran sa pamamagitan ng pagoPa, ang electronic platform para sa mga pagbabayad sa Public Administration. Ang pagbabayad ay gagawin kasabay ng pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng Portale Servizi ng Ministry of the Interior.
Kabilang sa mga requirements sa pag-a-apply ng italian citizenship ay ang pagbabayad ng marca da bollo na nagkakahalaga ng €16,00 at bolletino o kontribusyon ng €250,00. Hanggang sa kasalukuyan, ang marca da bollo ay maaaring mabili online at mabayaran ang bollettino sa posta. Sa pagsagot sa aplikasyon, ay kailangang ilagay ang serial number ng marca da bollo at i-scan ang resibo ng pinagbayaran sa posta.
Matatandaang noong nakaraang buwan ng May ay sinimulan ang posibilidad ng paggamit ng pagoPA platform, kasaby nito ay pinapayagan din ang lahat ng opsyon ng pagbabayad.
Simula sa July 8, ang pagoPa ay ang tanging paraan ng pagbabayad para sa aplikasyon ng italian citizenship.
Basahin din:
- Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay
- Decreto flussi at Ricongiungimento familiare, may bagong website