Magsisilbi bilang “ulatan ng mga katotohanan at pag-uugali ng mga non-EU nationals. Isang espasyo upang ipahayag ang mga kuro-kuro at pati ang saloobin ng walang matalim na mata ng sensura.” “Garantisado ang hindi paglalabas ng pangalan”, kung sakaling magkaroon ng mga pagsisiyasat ng rasismo.
Roma – Pebrero 15, 2012 – Para sa naganap na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso kahapon, ang atensyon ng mga taga Lega Nord ay nakatuon sa kanilang ‘first love’ at nais nilang maghandog sa mga ito ng isang website anti-immigrant. Tila pagod na sa paninira ng walang resulta sa ibang website, ay gagawin ang pagbubukas ng bagong website kung saan ang sinumang may saloobin sa mga dayuhan ay maaaring magsiwalat nito, maging ng mga insulto na siguradong matutuwa ang kanilang madla.
Ito ang inihayag kahapon ni Mario Borghezio, isang miyembro ng European Parliament MEP na nag-iisip tulad ng pumaslang kay Oslo at Utoya, at Max Bastoni, isang konsehal sa Milan at co-founder ng Volontari Verdi, ang mga patrols ng Lega Nord.
Walang originality, dahil ilang araw lang ang nakakaraan, isang website ang inilunsad upang magsilbing ulatan ng mga “problemang” dulot ng mga imigranteng mula sa Silangang Europa, ang inilunsad sa Netherlands ni Geert Wilders, lider ng Partij voor de Vrijheid, na naging sanhi ng malaking kontrobersiya dahil sa xenophobic imprint nito. Ang European Commission ay kinundana na ang website at maging ang mga ambassadors ng sampung bansa ng Silangang Europa ay nagprotesta laban sa pamahalaan ng Olandes.
Ang dalawang miyembro ng Lega Nord, gayunpaman, ay naghayag ng “positibong halimbawa” nito na dapat tularan. “Ito ay ganap na mahalaga – sabi nila – isang website na nagbibigay-daan sa mga mamamayan upang isawalat ang lahat ng mga katotohanan at pag-uugali kaugnay sa mga non-EU nationals. Masyadong maraming mga negatibong sitwasyon o hindi man ay nase-censored, dahil sa maraming mga kadahilanan tulad ng kakulangan ng sapat na komprontasyon at mga reklamo sa awtoridad, maging sa public opinion, dahil nasasala ng media na napapasailalim sa diktadura ng mga politically correct. “
Inaasahan ni Borghezio “ang napakaraming mga ulat na magmumula sa lungsod, bayan, Baryo at kalapit bayan kung saan ay mas malaki at mas mapanganib ang pagkakaroon ng mga irregular o ilegal na imigrasyon. Ang nanahimik na majority ng mga mamamayan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi naging posible ang magkaroon ng boses upang tuligsain ang katotohanan, pag-uugali, at panlipunan at pang-ekonomiyang pagkabigo, sa madaling salita, ang mga negatibong aspeto ng ilang mga imigrante, sa wakas ay magkakaroon ng espasyo upang ipahayag ang kanilang saloobin at bakit hindi, ang isigaw ng walang matalim na mata ng sensura na humahadlang sa hindi magandang opinion laban sa ibang kultura. “
“Ang website na ito, na tatawagin naming ‘ang kabilang mukha ng migrasyon‘ ay samakatwid isang espasyo sa kalayaan, bukas sa pakikipagtulungan ng lahat, at natural na kasama rin ang alagad ng batas, at ginagarantuya ang hindi paglalantad ng pangalan ninuman”, kumpirma ni Bastoni. “Isang mahalagang bagay. Hindi isinasaalang-alang ang paglalagay ng pangalan, dahil maaaring maging isang pagsisiwalat na para sa ilang tanggapan ng Direct of Public Prosecution ay pag-uudyok ng galit sa hindi kalahi.