in

Buwis ng mga permit to stay – “Nangangailangan ng maingat na pagsusuri”

Cancellieri e Riccardi: “Kailangan ang malalim na pagninilay-nilay at maingat na pagsusuri. Ang buwis sa permit to stay ay kailangang base sa kita.”

altRome – Enero 4, 2011 – Ang Ministry of Interior, Annamaria Cancellieri at ang Ministro para sa International Cooperation and Integration, Andrea Riccardi, ay nagpasyang maglunsad ng malalim na pagninilay-nilay at maingat na pagsusuri para sa issuance at releasing ng mga permit to stay ng mga imigrante na regular na nasa bansa, na isinasaad sa isang atas ng Oktubre 6, 2011 at ipatutupad sa katapusan ng Enero.

“Partikular – ayon sa isang pinagsamang pahayag na ipinalabas ng press agency ng Ministry of Interior – sa panahon ng krisis na apektado hindi lamang ang mga Italians kundi pati ang mga manggagawang dayuhan na naninirahan sa ating bansa, ay mayroong pagkakataon upang masuri ang aplikasyon base sa kita ng manggagawa at sa komposisyon ng kanyang pamilya”.  
“Tulad ng aming inihayag sa aming pakikibaka sa Parlamento, ito ay isang nakaka-galit na buwis, bunga ng pag-uusig laban sa mga imigrante” pananalita ni Livia Turco, ang pinuno ng PD Immigration Forum.

“Pinahahalagahan namin ang paghayag ng mga ministro Cancellieri at Riccardi upang muling suriin ang nakakagalit na buwis – patuloy pa ni Turco – ngunit inuulit-ulit namin na ang tanging solusyon lamang ay ang tanggalin ito at maging patas ang pagtingin sa mga imigrante at sa mga Italians para sa pagproseso ng mga normal na dokumentasyon”.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga tagasunod ng Lega Nord. “Titiyakin namin na ang pamahalaan ay hindi aalisin ang kontribusyon sa mga issuance at releasing ng mga permit to stay, isang kinakailangang buwis dahil sa napakaraming paperworks na dapat gawin ng public administration  upang i-release o i-renew ang mga ito”, ayon sa isang pahayag ng vice president ng mga senador sa Carroccio Sandro Mazzatorta.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang Mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat! – Fr. Velos

Isang pamilya ng dayuhan sa standard class, bilang models ng Trenitalia