in

Caritas/Migrantes: “Limang milyon ang mga legal na migrante sa bansa”

“Kalahating milyong mga bagong dating, kasing rami ng mga may expired na permit to stay”, ayon sa 2011 Statistical Dossier on Immigration ng Caritas / Migrantes.

altRome – Halos 5 milyon ang mga dayuhang regular na nasa bansa.  Sa 4.570 milyong residente ng bansa na ayon sa ISTAT sa simula ng taon, (7,5% ng popolasyon), sa katunayan ay dapat na idagdag ang higit sa 400,000 na mga regular sa kasalukuyan, ngunit hindi pa nakatala sa Anagrafe, para sa isang kabuuang total na 4,968,000 bilang.

Ito ay ayon sa Dossier on Immigration 2011, na inilunsad ngayong araw na ito sa buong Italya sa pamamagitan ng Caritas / Migrantes. (maaaring i-download ang isang buod, habang sa ibaba ng pahina ay makikita din ang video card na ginawa ng RaiNews 24).

"Ang bilang ng mga regular – pagpapaliwanag ng dossier – ay halos katumbas ng mga nakaraang taon, ngunit dapat isaalang-alang na ang mga bagong dating ay higit sa kalahating milyon, kabilang dito ang mga na-regularized at mga bagong dating, katumbas ng bilang ng mga migrante na ang awtorisasyon upang manatili sa bansa ay paso na, kabilang ang mga repatriated o mga hindi na regular”. Samakatuwid ay dapat pag-isipan "ang precariousness ng permit to stay at mga pagbabago ng regulasyon na kinakailangan upang maging lunas dito."

Ang mga manggagawang migrante (2,089 milyon ayon sa Istat, na kung saan ay dapat na idagdag ang 200,000 mga di-residente) ay ang ikasampung bahagi ng workforce at halos lahat ay mga bagong dating upang palakasin ang occupancy sa huling dekada sa Italya. Ngunit sila ang tila nagbabayad ng mga epekto ng krisis, "na bahagi ng 1 / 5 ng mga walang trabaho." Samantala, ang mga kumpanya na pinapatakbo ng mga migrante ay halos 230 000.

Ang integration ng mga migrante ay karaniwang tumataas at ito ay pinatutunayan ng istatistika ng citizenship. May 40 000 mga acquisitions ng citizenship sa pamamagitan ng residence o marriage na naitala sa 2010, kung saan ay dapat na idagdag ang 26 000 citizenships bilang pagkilala naman sa mga ipinanganak at lumaki sa Italya nakatala sa mga municipal registers.

Ang mga anak na menor de edad ng mga migrante ay halos 1,000,000, isang pagtaas ng 100,000 bawat taon sa pagitan ng mga ipinanganak at mga pinetisyon. Sa huling school year 710,000 ang mga mag-aaral na dayuhan na sumasakop sa 7.9% ng buong populasyon sa paaralan. Ang Italya, ayon sa Caritas / Migrantes, ay "ang bansa ng ikalawang henerasyon," at dahil dito "ay hindi dapat maging dahilan ng exclusion ang citizenship sa halip ay padaliin ang pagbibigay nito sa maikling panahon.

Ayon sa Dossier ay may kalahating milyong mga iligal na migrante sa Italya, na hanggang sa ngayon ang “zero tolerance ay hindi ibinigay tulad ng inaasahan”. Isipin na lamang kung 50,000 ang mga di-regular na nasundan ng Ministry of Interior, at 20,000 ang tinanggihan o repatriated, ito ay wala sa kalahati.

"Oltre la crisi, insieme" ay ang slogan na pinili ngayong taon ng Caritas Migrantes. "Ang Solidarity ay ang susi sa isang Multicultural na lipunan at kahit na higit pa, sa ito panahong ito ng krisis. “Tayo – ayon sa Coordinator ng Dossier , Franco Pittau – ay makakatulong sa mga migrante at sila ay kaya at nais namang tulungan ang bansa, na huwag silang isaalang-alang bilang isang ‘riserba’ kundi mga bagong mamamayan”.

Summary 2011 Statistical Dossier on Immigration

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy wins Worldwide Photo Walk grand prize

Halloween in Italy