Simula Sept 2 ang aplikasyon para sa Sostengo per l’inclusione attiva o SIA, na magbibigay hanggang 400 euros kada buwan bilang tulong. Kabilang sa mga requirements ang pagiging residente na hindi bababa sa dalawang taon at ang pagkakaroon ng EC long term residence permit o carta di soggiorno.
Roma, Agosto 29, 2016 – Hanggang € 400 kada buwan para sa mahihirap na pamilya, kabilang ang mga imigrante bagaman maraming hindi makakatanggp nito. Ito ay tinatawag na Sostegno per l’inclusione attiva o Sia, isang bagong tulong pinansyal laban sa kahirapan.
Ilalagay o ike-credit ng estado ang tulong pinansyal sa isang prepaid pard o carta Sia, na tumataas batay sa bilang ng moiyembro ng pamilya. Ito ay magagamit sa paggo-grocery, pambili ng mga gamot o pagbabayad ng bills. Bilang kapalit, ang mga beneficiaries ay mangangakong lalahok sa mga personalized project (research, formation courses, pag-aaral at iba pa) na magpapahintulot na mapabuti ang kanilang kondisyon.
Ang Sia ay nakalaan para sa mga pamilya na mayroong napakababang kita sa pamamagitan ng ISEE na hindi lalampas sa 3,000 euros, walang ari-arian at walang natatanggap na ibang allowance tulad ng unemployment allowance na higit sa 600 euros. Kabilang sa mga miyembro ng pamilya ay kailangan rin ang pagkakaroon ng anak na menor de edad o may kapansanan o nagdadalang tao. Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa Comune kung saan residente simula Sept 2.
Maaaring mag-aplay ang mga Italians, Europeans at ang mga miyembro ng kanilang pamilya na may karapatang manatili sa bansa o ang mga non-EU nationals, kung mayroong carta di soggiorno at residente sa Italya ng hindi bababa sa dalawang taon.
Ang requirement ng carta di soggiorno at ang pagkakaroon lamang ng permit to stay na balido per lavorare (lavoro, famiglia, attesa occupazione at iba pa) ay magiging dahilan upang hindi matanggap ang tulong pinansyal ng maraming mga dayuhan. Sa kabila ng batas ng Europa na nagsasabi na ang mga kategoryang nabanggit ay maaaring makatanggap sa Italya ng mga social benefits tulad ng ibang mga mamamayan.
Ang desisyon ng gobyerno, tulad ng naging desisyon sa nakaraan tulad ng bonus bebe, ay nanganganib muling ituring na isang diskriminasyon at hindi naaayon sa batas. At maaaring magdala sa bagong tulong sa hukuman.