in

“Carta di soggiorno – kailangang i-release sa loob ng 90 days” TAR

Sa hatol bilang 201308154, ang Lazio Regional Administrative Court ay tinanggap ang apela ng ‘class action’, na inilahad ng ilang mamamayang dayuhan kasama ang CGIL, INCA at Federconsumatori, kung saan hinihiling ang isang order ukol sa paglabag sa deadline ng pagre-release ng EC long term residence permit ng mga Questura.  

Ang pagtanggap sa isang kolektibong pagkilos ay inilarawan sa artikulo  D.Lgs. 198/2009, kung kaya’t kung saan matatagpuan ang anumang paglabag, pagkukulang at pagkabigo ng PA at ng mga tanggapang nagbibigay ng public service, ay nagpapahintulot sa isang ‘class action’ na naghahangad ng pagwawasto sa pag-uugali ng administrations.

Batay dito, ay kinilala ang apela dahil ang mga appellants ay inaakusahan ng paglabag sa itinakdang panahon sa pag-proseso ng mga Questura. Ang inilabas na hatol ay hindi lamang sumasaklaw sa mga single case bagkus ay nagbibigay sa isang indikasyon upang ang administrasyon ay bigyang solusyon ang paglabag sa deadline upang ganap na matapos ang proseso. Malinaw na, ang korte ay masusing sinuri ang kwestyon, upang bigay ng sapat na panahon ang PA upang gawin ang kinakailangang hakbang na hinihingi, sa pamamagitan ng paghahanap ng sapat na instrumento, pondo at tauhan na maituturing na kulang sa kasalukuyan.

Sa apela,  bukod sa nabanggit, ang mga nag-apela ay naghahangad din ng iisang administrative interpretation sa buong bansa ukol sa pagre-release ng EC long term residence permit sa mga kapamilya ng holders nito, kahit hindi pa umaabot sa limang taong requirements ng regular na pananatili sa bansa. Sa kasong ito, ang mass action ng taong bayan ay hindi maaaring tanggapin, dahil ang ‘solusyon’ ay taliwas sa hinihingi ng batas, na tanging pinanggagalingan ng bawat intrerpretasyon ng mga probisyon ng batas.

Bilang konklusyon, ang Lazio Regional Administrative Court o TAR ay hiniling sa administrasyon na magbigay ng angkop na hakbang, sa loob ng isang taon buhat sa paglabas ng hatol, na bigayng solusyon ang problema ukol sa pagtatapos sa proseso ng releasing ng nabanggit na dokumento, na isasaalang-alang ang limitasyon ng mga nakalaang resources at sa gayon ang maiwasan ang karagdagang singil sa publiko.

SCARICA LA SENTENZA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paglaban sa kahirapan buhat sa pamahalaan, kabilang ang mga imigrante

L’Europa contro il razzismo, ecco la Dichiarazione di Roma