in

CGIL: Regularization ng mga migranteng manggagawa

“Higit sa 500,000 mga migrante ang kasalukuyang nagtatrabaho ng hindi regular sa Italya ”

altRoma – Ang CGIL ay binatikos ang operasyon (manovra) na inilunsad ng bagong pamahalaan,”bukod dito ay walang nabanggit na mga hakbang upang labanan ang pagta-trabaho ng walang sapat na dokumentasyon” na pinaniniwalaang “isa ito sa mga hakbang na maaaring maging epektibo upang malunasan ang kasalukuyang krisis ng bansa at maaaring isama ang regularization ng mga manggagawang migrante sa ganitong uri ng sitwasyon”.

Ayon sa pinaniniwalaang kalkulasyon, mababasa sa isang note mula sa tanggapan ng imigrasyon ng CGIL, “higit sa 500,000 ang mga migranteng  ngayon ay nagtatrabaho sa Italya sa ilalim ng lavoro sommerso.”

Ang panukalang  ito ay magkakaroon ng mainam na epekto maging sa mga tuntunin ng legalisasyon sa trabaho at malampasan ang lumalalang merkado nito sa iba’t ibang sektor , mabigyan ng hustisya ang mga pananamantala sa mga migrante, di lamang sa pagbabayad ng buwis maging pati sa pagbabayad ng mga kontribusyon ng mga ito.

”Bali, kinuha bilang  batayan ang average na sahod ng mga migrante na kinakalkula ng Istat, at maaaring maging isang makabuluhang interbensyon para sa ating ekonomiya (halos 5,6 billion taun-taon, kabilang ang buwis at kontribusyon sa social security, o 1 point GDP – Gross Domestic Product ng tatlong taon ) at samakatwid ay isang direkta at hindi direktang epekto sa paglago,” paghahayag pa ng CGIL .

Ito ay sa isang teknikal na pagpaplano, pagbibigay diin ng organisasyon,”isang probisyon ang regularization sa trabaho tulad ng iminungkahi noong 2002 sa pagpapatupad ng Bossi-Fini law, na nagbigay sa mga employer  ng pagkakataong ihayag o gawing regular ang trabahador at ang posibilidad naman para sa mga trabahador na i-report ang employer sakaling tanggihan ito, upang maging isang obligasyon at hindi isang optional na lamang ang pagre-regular sa trabahador.

Samakatuwid, isang panukala laban sa ilegal na trabaho, para sa legalidad, para sa katarungan at paglago, lubos na pagtanggap sa panawagan ng Pangulo, ang iwanan ang teoryang lohika, sa paggamit at pananamantala sa imigrasyon bilang susi sa xenophobe at isaalang-alang ang imigrasyon bilang isang yaman upang malabanan ang krisis ng bansa”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Approval at trust ratings ng Pangulo, mataas pa rin

Maaaring magtrabaho ang sinumang may hawak ng ‘cedolino’