Sa trabaho at sa pabahay ang mga locals ay nais na nauuna. Istat survey: “Ang mga migrante bilang mga mamamayan”
Roma – Hulyo 13, 2012 – Ang karamihan ng mga Italians ay naniniwala na ang mga imigrante ay discriminated, hinahatulan ng rasismo, ngunit nagnanais namang bigyan ng italian citizenship ang kanilang mga anak. Ngunit iniisip din na masyado nang marami sa bansa at dapat na sila ay pumila upang mabigyan ng benepisyo ng pabahay.
Ito ang risulta ng 'indagine Istat "I migranti visti dai cittadini", inisponsor at pinopondohan ng Dipartimento per le Pari Opportunità, na inilabas sa Roma kamakailan. Narito ang naging pangunahing mag resulta:
– Ang 59.5% ng mga mamamayan ay nagsasabing ang mga imigrante sa bansa ay tina-trato ng hindi kasing husay ng mga Italians. Partikular, malaking bahagi ng mga kinapanayam ay nagsasabing ang isang imigrante ay nahihirapang ma-integrate sa lipunan (80.8%) at 2,4 % naman ang nagsasabing ito ay imposible.
– Lumalabas na ang hatol ng discrimination ay nagiging pangkalahatan: ang karamihan sa mga nakapanayam ay nagsasabing hindi justifiable ang biruin o lokohin ang isang mag-aaral (89.6%) o ituring ng hindi maganda ang isang manggagawa (88.7%) dahil isang dayuhan.
– Gayunpaman, ang 55.3% ay naniniwala na "sa pagkakaloob ng benepisyo ng pabahay, gamit ang parehong rikisito, ang imigrante ay dapat na nakatala matapos ang mga Italians, habang ang 48.7% ay sang-ayon na sa “kawalan ng trabaho, ang mga employers ay dapat na bigyan ng priyoridad ang mga Italians, higit sa mga dayuhan.
– 60% ng mga respondents ay sang-ayon at medyo sang-ayon na "ang presensya ng mga imigrante ay positibo dahil ito ay nagpapahintulot ng kaalaman ng ibang kultura”. 63% naman ang sang-ayon na ang mga imigrante ay mahalaga upang gawin ang trabahong ayaw ng gawin ng mga Italians”. At 35% naman ang nagsasabing ang mga imigrante ay nagtatanggal ng trabaho sa mga Italians.
– ang 65.2% ng mga respondents ang naniniwalang ang mga imigrante ay masyado ng maraming sa bansa.
– Ang pagdami ng mixed marriages ay itinuturing na positbo ng 30.4% ng mga respondents kumpara sa 20.4% na nagsasabing ito ay negatibo. Ngunit kung ang sariling anak ang ikakasal sa isang imigrante ang kasagutan ay nagbabago. Halimbawa, ang 59.2% ng mga kinapanayam ay nagsasabing magkakaroon ng maraming problema at 25.4% naman ang nagsasabing magkakaroon ng ilang problema kung ang mapapangasawa ay isang Rom. Ang kasagutan ay naging 37.2% sa maraming problema at 31.7% naman ang ilang problema kung Romanian ang mapapangasawa.
– Para sa karamihan ang pagkakaroon ng isang dayuhang kapitbahay ay hindi isang problema. Gayunpaman, ang 68.4% ay hindi nais na kapitbahay ang isang Rom: pumapangalawang di nais na maging kapitbahay ay ang mga Romanians (25.6%) at mga Albanians (24.8) naman ang pumapangatlo.
– Sa relihiyon, ang karamihan (59.3%) ay naghayag ng positibong opinyon at nagsabi ng bahagya o hindi sang-ayon na ang relihiyon ay isang pagbabanta sa kanilang pamumuhay”, kahit pa ang 26.9% naman ay hindi sang-ayon sa pagbubukas ng ilang lugar sa pagsamba na malapit sa kanilang tahanan at ang 41.1% naman para sa pagbubukas ng bagong mosque.
– Ang 72.1% ay sang-ayon sa pagbibigay ng citizenship sa mga anak ng imigrante na ipinanganak sa bansa.
– Ang 91.4% ay isinasaalang-alang na tama na ang mga imigrante na nag-aplay, ay pagkalooban ng citizenship matapos ang ilang taon ng pagiging regular na residente sa bansa; na sapat na ang limang taon (38.2%) at kailangan ang 10 taon (42.3%).
– 42.6% naman ang naghayag na sang-ayon o medyo sang-ayon sa pagbibigay ng karapatang bumoto sa halalang lokal ang mga imigrante na residente sa Italya ng ilang taon, kahit wala pang citizenship.
– Ang mga kabataan, lalo na ang mga kababaihan at mga residente sa Central Italy ay naghayag ng mas pagtanggap sa mga imigrante sa buong bahagi ng survey.