Ito ay isa sa mga ipinangako ng PD leader na hihingin sa vote of confidence. "Mga emerhensyang maituturing sa demokratikong lipunan." "Ayaw ni Grillo na ang ipinanganak sa Italya ay maging isang ganap na italyano, ito ay hindi namin pananaw”.
Marso 4, 2013 – Ang "karapatan ng pagkamamamayan" ay bahagi ng walong puntos ni Pier Luigi Bersani, na hihingin sa vote of confidence sa Parliyamento sa matatatag na bagong gobyerno. Sinusubukan ring makuha maging ang boto ng Movimento 5 Stelle.
Sa isang panayam ni Fabio Fazio sa Che Tempo che fa, ang PD leader ay sinabing nais ang pagbabago para sa isang limitadong programa ng gobyerno na mauunawaan ng lahat”. At gumawa ng isang listahan na aaprubahan ng PD.
"Batas laban sa katiwalian at mafia; conflict of interest;ang halaga at kasimplehan ng pulitika; batas sa mga partido, mabilisang pagkilos ukol sa pangangailangang sosyal, ang pagbubukas ng welfare desk at ang pamumuhunan ng mga Munisipyo, maliit na kabayaran ng mga maliliit na negosyo at marami pang iba; positibong pagkilos sa ekonomiya: green economy; reconstruction at hindi ang abusuhin ang lugar ay maaaring masimulan agad. Karapatan: citizenship, gay couples; edukasyon, ang paghinto sa pag-aaral at ang karapatan sa edukasyon”.
Ang mga ito ay tinawag na "listahan ng mga urgent points, bilang bahagi ng isang demokratikong lipunan." "Isang pamahalaan na haharap sa Parliament nang may tiyak na programa, limitado ngunit maaaring maabot ang hihingin sa vote of confidence. Kung hindi sisimulan ng ganito – dagdag pa ni Bersani – ay tila magiging mahirap ang pagsasaayos ng mga ito.
Sa pakikipanayam, ang leader ng Democratic Party ay binigyang-diin na sa programa ng M5S, “ay matatagpuan ang ilang puntos tulad ng sa amin gayun din ang mga puntos na laban sa amin. Ngunit sa aking palagay, si Grillo ay hindi sang-ayon na maging italyano ang mga ipinanganak at mga nag-aaral sa Italya at tila mainit sa hindi pagbabayad ng buwis. Mga bagay na hindi para sa amin”.