Sa Besta ng Bologna, ay nilikha ang tinatawag na ‘classe ponte’ para sa mga bagong dating sa Italya na hindi marunong magsalita ng wikang italyano. “Ganito ang dibisyon”, ayon sa Council.
Bologna – Nobyembre 5, 2013 – Classe ponte o Bridge class, ang klase kung saan ipapasok ang mga anak ng mga imigrante habang nag-aaral ng wikang italyano. Ito ang kahilingan ng Lega Nord matagal na panahon na at sinimulan sa Bologna.
Sa Besta High School, sa lugar ng San Donato, isa sa mga itinuturing na multi-ethnic sa lungsod, ay sinimulan ang isang klase na mayroong 22 mag-aaral na ipinanganak sa ibang bansa. Ang mga mag-aaral ay dumating sa Bologna noong nakaraang summer, salamat sa family reunification, ngunit hindi pa mga marunong magsalita ng wikang Italyano. Ang principal na si Emilio Porcaro, na naglaan ng higti na panahon sa kanyang propesyon sa pagtuturo ng wikang italyano sa mga dayuhan, ay tinipon ang mga ito sa iisang silid-aralan.
Ang ideya ay ang tipunin ang mga mag-aaral sa iisang klase “1° A sperimentale” hanggang sa maabot ang isang antas na hindi na mahihirapan sa pagpasok sa tunay na klase kung saan magkakaroon ng mga kaklaseng italyano, isang bagay na hinarap na ng kanilang 2 kasamahan. Hindi umano ito isang ghetto, ayon kay Porcaro: “Ginawa namin ito para sa integrasyon. Ang mga kabataan ay mayroong ilang subjects kasama ang ilang mag-aaral buhat sa ibang klase, kumakain sila ng sama-sama at lumalabas din ng magkakasama”, paliwanag ni Porcaro.
Ang naging desisyon ng principal, na sinang-ayunan ng Board, ay hindi nagustuhan ng mga kinatawan ng mga magulang sa Council at ipinahatid ang reklamo sa pamamagitan ng isang liham: “Ang ibukod ang mga dayuhan mula sa mga mag-aaral na italyano ay nagpapahiwatig ng paghihiwalay sa mga ito. Ang mga mag-aaral na dayuhan ay hindi makikipag-usap sa silid-aralan sa iba pang mga Italyano at ang iisang sanggunian sa wikang italyano ay ang guro lamang na magtatanggal sa lahat ng patas na edukasyon.
Ang kaso ay nakalabas sa bakuran ng Besta. Ang Lega Nord ay nakita ang katuparan ng kanilang mga panukala, gayun din ang Flc-Cgil ay tumukoy sa isang “hospitality project, na tila mayroong positibong puntos”. Samantala si Sandra Zampa, PD representative at VP ng Committee on Childhood, ay sinabing, isang “walang kapararakan” at idinagdag na “ang mga mag-aaral ay kailangang ibalik sa klase sa lalong madaling panahon “, at ang municipal councilor na si Sel Mirco Pieralisi ay nagsalita ng isang “paatras edukasyon at kultura”.