in

Click days ng Decreto Flussi para sa domestic job, nagpahayag ng pangamba ang Assindatcolf

Ang ‘click day’ o ang petsa ng pagsusumite ng aplikasyon para sa makapag-trabaho sa Italya bilang colf o (domestic worker) at caregivers sa pinakahihintay ng Decreto Flussi ay nakatalaga sa December 4, 2023 para sa taong kasalukuyan at February 7, 2024, para sa taong 2024.

Matatandaang itinalaga ng Gobyerno ng Italya sa pamamagitan ng DPCM ang quota o bilang ng mga non-European workers na makakapasok sa bansa sa loob ng tatlong taon, 2023-2025. At mahalagang balita para sa taong ito na kabilang ang domestic job sa Decreto Flussi 2023.

Ayon sa DPCM, may kabuuang bilang na 28,500 ang nakalaan para sa mga colf at caregivers para sa taong 2023-2025. Samakatwid, bawat taon ay may bilang na 9,500.

Tatlumpu’t tatlong (33) mga bansa ang kabilang sa Decreto Flussi:

10 bansa sa Silangang Europa: Albania, Bosnia Herzegovina, Georgia, Kosovo, Moldova, Montenegro, Republic of North Macedonia, Serbia at Ukraine.

13 bansa sa Africa: Algeria, Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, Gambia, Ghana, Mali, Morocco, Mauritius, Niger, Nigeria, Senegal, Tunisia.

3 bansa sa Latin America: El Salvador, Guatemala at Peru.

7 bansa sa Asya: Philippines, Bangladesh, Korea, Japan, India, Pakistan, Sri Lanka

Assindatcolf, nagpahayag ng pangamba

Samantala, nagpahayag ng pangamba ang Assindatcolf, ang asosasyon ng mga employers ng sektor. Partikular, binigyang diin ng asosasyon ang pangangailangan sa pagkakaroon ng isang epektibo at mabilis na proseso upang maiwasan ang ma-pending at maantala muli ang mga aplikasyon.

Ayon pa sa asosasyon, masyado umano maigsi ang pagitan ng dalawang petsa na posibleng magsanhi ng problema sa mga pamilya at mga tanggapan.

Hiling din ng asosasyon sa mga karampatang awtoridad na magpatibay ng mga agarang instrumento na makapagbibigay sa mga employers at workers ng status at resulta ng proseso sa pinakamabilis na panahon. Sa ganitong paraan, maiiwasan umano ang labis na burukrasya at mapapadali ang proseso para sa lahat.

Click to rate this post!
[Total: 7 Average: 3.9]

Pagtatanghal ng Balik sa Basik 2023 sa Roma, tagumpay!

Higit 1 oras na tulog, hatid ng ora solare!