Bukas, Martes, Decembre 12, simula alas 9:00 am ay ang ikatlo at huling click day para sa pagpasok sa Italya ng 82,550 non-EU seasonal workers ng Decreto Flussi 2023, kung saan nakalaan ang bilang na 40,000 para sa mga aplikasyon na isusumite ng mga asosasyon ng mga employers na pumirma sa protocol ng August 3, 2022. Partikular ang huling click day ay nakalaan para sa agriculture at turismo-hotel sector.
Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala online sa website https://portaleservizi.dlci.interno.it/ at kinakailangang ang pagkakaroon ng SPID o CIE.
Matatandaang ang mga application forms ay maaaring ipadala online sa 3 itinakdang araw ng click days:
- December 2 (para sa non-seasonal job);
- December 12 (para sa family & health care sector);
- December 12 (para sa seasonal job);
Gayunpaman, ang mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang December 31, 2023. Sakaling ang aplikasyon ay hindi pumasok sa quota batay sa chronological order ng pagsusumite, ang employer ay makikita sa ALI website ang status na “Ang aplikasyon ay out of quota”.
Basahin din:
- 607,904 application forms, handa na para sa mga click days ng Decreto Flussi 2023
- Application forms ng Decreto Flussi 2023, umabot na sa 320,000!
- €16M, hatid ng unang click day ng domestic job sa Italya
- Decreto Flussi 2023: Salary Requirement sa Family care sector