Simula ngayong araw, Feb 17, ay maaaring isumite ang mga aplikasyon para sa mga non-EU seasonal workers. Sa unang pagkakataon ang mga seasonal workers ay dadating sa tamang panahon.
Roma, Pebrero 17, 2016 – Sa pamamagitan ng direct hire 2016 ay muling nagbubukas ang Italya para sa mga non-European seasonal workers. Pinapahintulutan ang 13,000 manggagawa buhat sa ibang bansa upang makapag-trabaho sa sektor ng agrikultura at turismo sa kundisyong makalipas ang ilang buwan ng trabaho ay babalik sa sariling bansa.
Simula alas 9 ng umaga ngayong araw na ito, feb 17, ang mga employer ay maaaring isumite ang mga aplikasyon o domande di asunzione, gamit ang sariling computer o sa tulong ng mga authorized office o patronati at mga trade associations, sa pamamagitan ng website ng Minsitry of Interior: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it Inaasahang ang bilang o quota na nakalaan ay sapat sa pangangailangan kung kaya’t ang mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang sa katapusan ng taon.
Ang 13,000 seasonal workers ay maaaring manggaling sa mga bansang: Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, South Korea, Ivory Coast, Egypt, Etiopia, ex-Yugoslav Republic of Macedonia, Pilipinas, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo , Marocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine, Tunisia, Sudan. Gayunman, ang nasyonalidad ay hindi mahalaga para sa mga seasonal workers na nakapag-trabaho na sa Italya sa nakaraan.
Ang decreto flussi para sa seasonal workers ay mayroong mas madaling proseso upang matiyak ang pagdating sa bansa sa tamang panahon. Sa katunayan, para sa mga seasonal workers na nakapag-trabaho na sa Italya, ay nasasaad ang patakaran na tinatawag na ‘silenzio assenso’ sa aplikasyong isinumite ng employer at ang posibilidad na mag-request ng multi-authorization sa pagpasok ng worker, na maaaring bumalik sa Italya ng hindi na hihintayin pa ang decreto flussi.
Bukod dito, ang decreto flussi 2016 ay magpapahintulot sa mga agricultural companies na kumilos ng may sapat na panahon, sa pagsusumite ng aplikasyon at makarating sa Italya ang manggagawa sa simula ng spring time para sa unang harvest. Ito ay nangangahulugan na sa unang pagkakataon ay angkop sa panahon ang paglabas ng decreto flussi.
“Sa unang pagkakataon ang mga seasonal workers ay dadating sa tamang panahon. Maiiwasan ang mga nangyari sa nakaraan, na natanggap ang nulla osta o awtorisasyon sa trabaho pagkatapos ng unang harvest”, ayon sa head ng labor policy ni Coldiretti, Romano Magrini, sa Stranieriinitalia.it.
Ang mga trade association naman ay tumatanggap at nagpapadala ng mga aplikasyon para sa kanilang mga miyembro. “Inaasahan namin ang pagkakaroon ng priority nito, dahil ang mga aplikasyon ay amin ng nasuri at tunay na nagtataglay ng mga requirements na hinihingi ng batas, bagay na hindi nagaganap sa ilang mga aplikasyon”, ayon pa kay Magrini.
Inaasahan ang mas mahusay na pagpasok at pagtanggap ng mga aplikasyon sa sistema ngayong taon kumpara noong nakaraang taon. “Ito ay dahil na rin sa pansamantalang inihinto ang ilang plataporma online upang pahintulutan ang na ma-overload ang sistema.”.
Gabay sa paghahanda ng aplikasyon ng seasonal workers