Inilathala ngayong araw sa Official Gazette ang Decreto Flussi 2020 kung saan nasasaad na 30,850 mga subordinate, seasonal, non-seasonal at self-employed non-EU workers ang pinahihintulutang makapasok ng Italya ngayong taon.
12,850 entries para sa Lavoro Subordinato Non Stagionale, Autonomo at Conversione
Sa bilang na nabanggit, nakalaan ang 6,000 entries para sa non-seasonal job sa mga sektor ng Road transport, Construction at Tourism na nakalaan sa mga mamayan ng bansang: Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, El Salvador, Ethiopia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Republic of North Macedonia, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine at sa mga bansang magkakaroon ng bilateral agreement sa Italya sa taong 2020.
Ang natitira sa bilang ng entries na nabanggit ay nakalaan sa mga:
- nakatapos ng formation courses sa country of origin,
- para sa mga italian by origin tulad ng Venezuela at
- entrepreneurs,
- kasama din ang conversion mula sa iba’t ibang uri ng balidong permit to stay sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato e per lavoro autonomo.
Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala simula alas 9 ng umaga ng October 22, 2020.
18,000 entries para sa Lavoro Subordinato Stagionale nei Settori Agricolo e Turistico-Alberghiero
Ito naman ay nakalaan sa mga non-Europeans para sa seasonal job na mamamayn ng mga bansang Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, El Salvador, Ethiopia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Republic of North Macedonia, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine.
Sa bilang na nabanggit, bilang eksperimento ay nakalaan ang 6,000 entries para sa mga mamamayan ng parehong mga bansang nabanggit at ang aplikasyon ay mula sa pangalan ng mga sumusunod na kumpanya bilang employer: CIA, Coldiretti, Confagricoltura, Copagri, Alleanza delle Cooperative (kasama ang Lega cooperative e Confcooperative).
Ang mga aplikasyon ay hahatiin sa mga Rehiyon at Autonomous region ng Ministry of Labor and Social Policies.
Ang mga aplikasyon ay ipapadala simula alas 9 ng umaga ng October 27, 2020.
Mga Aplikasyon
Simula alas 9 ng umaga ng October 13 ay available na ang mga aplikasyon para sa precompilazione, sa official website ng Ministry of Interior: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/Ministero/Index2, gamit ang SPID.
Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala hanggang December 31, 2020.