Inanunsyo na ni Salvini ang Decreto Salvini bis, ilang buwan lamang matapos simulang ipatupad ang unang dekreto.
Ang teksto na inaprubahan na ng Viminale ay dinagdagan pa ng 12 normatiba na lalong naghihigpit sa migrasyon. Ito ay naglalaman ng mas mabigat na parusa sa human trafficking, at sinumang mananakit sa alagad ng batas. Nilalaman din ang susog sa Codice di Navigazione at ang pagpapatakbo ng mga porti o daungan, penal code, paraan ng pagwewelga at mga malawakang pagpupulong.
Ang karagdagang 12artikulo ay hindi lamang naglalaman ng tema ukol sa migrasyon at seguridad bagkus ay tumutukoy din sa pagtugis sa mafia. Sa katunayan, nilalaman nito ang tinatawag na “spazza clan“. Ito ay ang paglulunsad ng isang special commissioner at karagdagang 800 katao na nagkakahalaga ng 25 million euros upang mabawasan ang mga kasong naipon sa nakaraan sa mga Hukuman.
Ang ikalawang artikulo naman ng sicurezza bis ay nagbibigay susog sa Codice di Navigazione, sa pamamagitan ng pagbabawal ng transit at stop over ng mga merchant ship. Binibigyan nito ang Ministry of Interior ng karapatang magbawal o magbigay limitasyon sa mga merchant ship samantala ang Ministry of Infrastracture ay may limitasyong mangalaga sa seguridad ng nabigasyon at pangangalaga ng kapaligirang pandagat.
Ang artikulo 3 ay naglalayong sugpuin ang iligal na imigrasyon. Nakalaan ang multa – mula 3,500 hanggang 5,500 para sa bawat migrante na sakay o ihahatid – na hindi igagalang ang obligasyong nasasaad sa International agreement. Bukod dito, sa ilang kaso ay nasasaad ang sospensyon mula 1 hanggang 12 buwan, bukod pa sa pagpapawalang bisa sa lisensya o pahintulutot mula sa Italya.
Ang artikulo 4 naman ay tutugon sa problema sa seguridad, kung saan nakalaan ang 3 milyon – na kukunin mula sa pondo ng mga imigrante – para sa tatlong taon 2019-2021. Ito ang magpapahintulot magkaroon ng mga alagad ng batas na ‘undercover’ upang tuklasin at tugisin ang krimen ng pag-facilitate ng iligal na imigrasyon.
Bukod dito, nilalaman din ng artikulo ang higit na seguridad sa Napoli, para sa okasyon ng 30th Summer Universiade mula Hunyo, mula sa pagdating ng higit sa 9,000 atleta at delegasyon mula sa 128 mga bansa kung saan magpapadala ng karagdagang 500 sundalo.
Gayunpaman, ang diskusyon ng nabanggit na decreto bis ay wala pa sa kalendaryo ng Council of Ministries.