Ministro: "Pagkalipas ng Oktubre 15 ang pagpapatupad ng mga parusa sa mga exploiters”. UIL: "Kailangan ang extension at tumpak na pamamaraan"
Roma – Oktubre 11, 2012 – Halos 80,000 ang mga application hanggang kahapon ng hapon, isang bahagya ngunit inaasahang pagdami sa mga huling araw sa nalalapit na pagtatapos sa Oktubre 15.
"Naniniwala ako na ang mga employer na nais gawing ligal ang mga workers ay dapat na magmadali”, ayon kay Andrea Riccardi kahapon sa pakikipag-usap sa mga journalists sa isang institutional visit sa Bari.
"Ito ay isang napakahalagang pagkakataon para maging regular ang mga undocumented workers mula Third countries – dagdag pa nito – at nalalapit na ang pagtatapos sa lunes Oct 15, kung saan ay binibigyan ng pagkakataon ang isang regularization. Isang napakahalagang pagkakataon”. “Matapos ang pagkakataong ito, ay ipatutupad ang european directive sa mga magsasamantala sa mga dayuhang manggagawa, tayo ay maghihigpit gayun din ang awtoridad”, paalala ng ministro.
Samantala, patuloy ang pghingi ng extension. "Ang regularization ay nanganganib ng isang limited success. Kung nais nating labanan ang iligal na imigrasyon, bigyan natin ng karagdagang panahon ang mga kumpanya at mga irregulars na lumantad at maging regular”, ayon kay GuglielmoLoy, ng UIL, na nagsabing kahit pa umabot sa isang daang libo ang mga aplikasyon ay marahil 1/5 lamang ito ng tunay na bilang ng mga irregulars. Kung ito ang magiging risulta, para sa amin ay nasayang ang malaking pagkakaton upang labanan ang lavoro nero at ang exploitation sa irregular ethnic manpower”.
"Dahil nagkaroon ng mga pagbabago sa ilang mga panuntunan sa kasalukuyang pamamaraan, dapat ngayon ay magbigay ng higit na panahon upang ang mga kumpanya at mga dayuhan ay lumahok. Kailangan din – pagtatapos pa ni Loy – ang higit na impormasyon at tumpak na pamamaraan. Dahil dito, kasama ang Tavolo immigrazione, ang Uil ay humiling at inulit ang pangangailangan ng pagpapahaba o extention sa regularization hanggang Nov 15, isang Circular na maglilinaw sa mga aspeto ng kumplikadong procedures at karagdagang mga impormasyon”.