in

Enrico Letta at Imigrasyon

Tatlong buwan pa lamang ang nakakaraan, ang appointed premier ay nagsalita ukol sa pangangailangan sa isang reporma ng pagkamamamayan (na binubuo ng isang makulay at malawak na panggagalingan) na magiging bahagi ng isang ‘totoo at tunay’ na Italya. Samakatwid, isang bansa ‘para sa serbisyo’ na syang bubuo sa isang gobyerno.

Roma – Abril 28, 2013 – Si Enrico Letta ay itinalaga kamakailan upang lumikha ng gobyerno at walang duda na maaga pa upang itanong kung paano kikilos sa imigrasyon ang gobyernong itatatag nito. Kasalukuyang dapat malaman muna kung sinu-sino ang bubuo dito at lalong higit kung sinu-sino ang sasang-ayon sa kanya.  

Tinawag niyang “gobyerno para sa serbisyo ng bansa”, at alam nating lahat na sa Italya ay kinakailangan, sa lalong madaling panahon, ang bagong batas sa citizenship, mas mahusay na direct hire, pagtatapos sa nakaraang Regularization, totoong pulitika ng integrasyon, pagtanggap sa mga refugees at marami pang iba….  Ngunit kailangang isaalang-alang na ang pagitan sa distansya ng mga panukalang batas at ng mga partidong inaasahang magiging bahagi ng bagong gobyerno, hanggang sa kasalukuyan, ay malalayo at tila mahirap makahanap ng isang pagkakasundo.

Sa kabila ng lahat, siguradong si Enrico Letta ay kilala ang lahat ng temang ito. Kung matatandaan, ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang ilahad ng kanyang partido ang mga dayuhang tumakbo sa nakaraang eleksyon. Enero 18 noong si Letta ay nagsalita ukol sa pangangailangan sa isang rebolusyon sa integrasyon. “Ang kinabukasan, ayon pa kay Letta – ay yaong mahusay ang integrasyon, na nais naming pamunuan sa pulitika”. At dahil dito, ay kinakailangan sa lalong madaling panahon ang reporma sa citizenship, “isang batas na para sa amin ay mahalaga”.  

Ganito ipinaliwanag ni Letta ang desisyon ng PD sa pagkakaroon ng mga kandidatong ngayon ay bahagi ng Kamara na sina Khalid Chaouki at Cecile Kyenge: “Hindi na matatanggap pa na sa Parliyamento ay makita ang iisa at pare-parehong kulay, pare-pareho ang pinagmulan at kabaligtaran ang matutunghayan sa kahit na anong lugar, kung saan makikita ang tunay na Italya, na makulay at buhat sa iba’t ibang pinagmulang bansa. Ang tunay na Italya kung saan tayo ay naninirahan ng sama-sama”. Buhat dito ang pangangailangang higit na bigkisin ang mga institusyon sa tunay na Italya”.

Ito ay naganap 3 buwan pa lamang ang nakakalipas, ngunit kung pulitika ang pag-uusapan ay tila isang siglo na ang nagdaan. Noon, si Letta ay nagsalita bilang VP ng partido at kumbinsido sa isang tagumpay…. Isang tagumpay na hindi naabot ninuman at ngayon ay tinawag upang pamunuan ang isang “gobyerno para sa serbisyo ng bansa”. At alam na alam na ang tunay na Italya ay bansa rin ng mga bagong mamamayang Italyano.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagpapatala ng mga duktor na dayuhan sa specialization school of medicine

Colf at caregivers. “Ang kasunduan ay bunga ng panahong ito, ngunit mayroon ding mga magandang pagbabago”