in

FLUSSI – 15,000 seasonal workers at 2,000 para sa EXPO 2015

Ang dekreto ay ilalathala na sa Official Gazzete. Mula sa April 4 ay maaari ng ihanda ang aplikasyon online ngunit maipapadala lamang matapos ang paglalathala ng dekreto. Narito ang teksto at ang tagubilin ng Ministries of Labor at Interior. 
 

Roma – Abril 3, 2015 – Mas madami kaysa sa inaashan ng lahat ang nalalapit na decreto flussi 2014 para sa seasonal job. 
 
Ang teksto, pinirmahan ni Matteo Renzi noong March 12 at nakarehistro na sa Court of Auditors, ay nagpapahintulot sa pagpasok ng 15,000 entries mula sa ibang bansa. Ito ay kalahati lamang ng bilang kumpara noong nakaraang taon, ngunit higit naman ng 5,000 sa ipinangakong bilang sa mga asosasyon ng mga magsasaka, na minamadali ang pagpasok ng mga ito dahil sa pangangailangan sa mga bukirin. 
 
Ang Ministries ng Interior at Labour ay nagpalabas ng joint circular kamakailan kung saan ipinaliwanag ang detalye ng dekreto at ng pamamaraan ng pagsusumite ng aplikasyon.
 
Ang mga seasonal workers ay magmumula sa Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina , Egypt, Philippines , Gambia , Ghana , Japan , India , Kosovo , ex Yugoslav Republic of Macedonia , Morocco , Mauritius , Moldova , Montenegro , Niger , Nigeria , Pakistan , Senegal , Serbia , Sri Lanka , Tunisia at Ukraine. Kabilang sa makakapasok ang mga seasonal workers na nasa Italya noong nakaraang taon, anuman ang pinagmulang bansa.
 
Dahil na rin sa tiwala sa paglipas ng mga taon ng mga kumpanya/employer sa mga manggagawa, kumakatawan lamang ang isang bahagi ng kabuuang bilang sa mga unang pagpasok sa Italya. At 3,000 ang bilang na nakalaan sa workers na nagtrabaho na sa Italya ng 2 magkasunod na taon, dahilan ng pagsusumite ng aplikasyon para sa multiple entry, upang makapasok muli ang mga ito sa mga susunod na taon ng hindi na kailangang maghintay pa ng dekreto. 
 
Ang pagsusumite ng mga aplikasyon ay sisimulan sa susunod na araw matapos ang publikasyon nito sa official gazette at maging sa pagkakataong ito, ang lahat ay gagawin ng mga employer online o sa tulong ng mga asosasyon. Samantala, simula alas 9 ng umaga sa April 4, ay maaari ng i-fill up at i-save ang mga aplikasyon sa website ng Ministry of Interior, upang maging handa  sa araw ng simula ng pagpapadala nito online.
 
Ang pinakahihintay na decreto flussi ay magpapahintulot din sa pagpasok ng 2,000 non-seasonal entries for EXPO 2015, na nakalaan sa mga subordinate workers ng mga bansang magiging bahagi ng pagdiriwang sa Milan. Ipinapayong maghintay ng karagdagang impormasyon buhat sa Ministries of Interior at Labor para sa pagsusumite ng aplikasyon. 
 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

730, para na rin sa mga colf, caregivers at baysitters simula ngayong taon

Gabay para sa aplikasyon ng seasonal job