in

Flussi 2018, ang nilalaman ng dekreto

Inilathala noong Jan 16 sa Official Gazette ang dekreto na nakalaan para sa mga dayuhang manggagawa. Narito ang nilalaman. 

 

Matapos pirmahan ni Prime Minister Paolo Gentiloni noong nakaraang Dec 15 ay inilathala sa Official Gazette n. 12 ng Jan 16, 2018, ang D.P.C.M. 15 Dic 2017, kung saan nasasaad ang regular na pagpasok ng mga manggagawang non-Europeans sa bansa. Ang pagpapatupad ng nasabing dekreto ay nasasaad sa Joint Circular noong Jan 17, 2018 ng Ministries of Interior at Labor.

Sa nabanggit na dekreto ay nasasaad ang mga bilang o quota ng mga dayuhang manggagawa na regular na makakapasok ng Italya upang mag-trabaho bilang mga seasonal, non-seasonal at self-employed workers. 

Walang ipinagbago sa nakaraang taon, kahit ngayong 2018 ang mga non-European workers na pahihintulutang makapasok ay may kabuuang 30,850, partikular

A. 12,850 para sa non-seasonal at self-employment;

  • 500 para sa mga non-Europeans na residente sa ibang bansa na nakatapos ng formation courses sa sariling bansa (batay sa articolo 23 ng legislative decree 286/25 July 1998);
  • 100 workers na mayroong italian origin, mula sa mga bansang Uruguay, Brazil, Venezuela, Argentina para sa non-seasonal at self-employment job
  • 2,400 ang non-EU nationals na pinahihintulutan para sa self-employment (lavoro autonomo). 

Muli, pinahihintulutan ng dekreto ang conversion ng mga permit to stay sa lavoro subordinato mula 

  • permesso di soggiorno per lavoro stagionale – 4750
  • permesso per studio (pag-aaral), internship (tirocinio) at/o formazione professionale (vocational courses) – 3500
  • EC long term residence permit na inisyu ng ibang member State ng EU – 800.  

At pinahihintulutan din ng dekreto ang conversion ng mga permit to stay sa lavoro autonomo mula 

  • permesso di studio (pag-aaral), internship (tirocinio) at/o formazione professionale (vocational courses) – 700 at 
  • mula EC long term residence permit na insyu ng ibang member State ng EU 100

B. 18,000 para sa seasonal workers mula sa mga bansang:

Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, Republic of Macedonia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine.

2,000  naman ng bilang na nabanggit ay nakalaan para sa multi-entry seasonal permit (nulla  osta  pluriennale) ng mga seasonal workers (ng mga bansang nabanggit sa itaas) na nakapasok na sa Italya para sa seasonal job ng kahit 1 beses sa loob ng nakaraang 5 taon. 

Ipinapaalala na ang decreto flussi 2018 ay hindi isang regularisation o sanatoria at hindi nagpapahintulot na mabigyan ng permit to stay ang mga undocumented na nasa Italya na tulad ng mga colf, operai o care givers. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Minimum Wage sa Domestic Job ngayong 2018

Itinalagang click days ng Flussi 2018