in

Gabay sa Regularization

Mula sa inilathalang Gabay para sa Regularization – Mga Requirements, ay amin pong ginagawa ang patuloy na paga-updates, batay sa naging pagtitipon kahapon Sept. 11 sa Ministry of Interior kasama ang mga kinatawan ng mga patronato, asosasyon ukol sa pag-fill up, pag proseso at pagsusumite ng mga aplikasyon. (Matatagpuan po sa bold at italic form ang mga karagdagang impormasyon buhat sa Ministry).

Setyembre 12, 2012 – Sa wakas ay nailathala na rin sa Official Gazette noong September 7 ang interministerial decree, na tulad ng nabanggit sa batas ay nagtataglay ng ‘transitional provisions’ ng regularization, na magbibigay ng mga paglilinaw sa mga detalye ukol dito.

Kung isasaalang-alang ang nabanggit na dekreto at mga tagubilin mula sa Ministries ng Interior, Labor at Agenzia dell’Entrate kamakailan, ang regularization ay nangangailangan ng mga sumusunod:

Sino ang maaaring magsumite ng aplikasyon

Ang employer ay dapat na mamamayang Italyano o EU nationals. Ang non-EU nationals na employer ay maaari lamang magpadala ng aplikasyon kung carta di soggiorno holder (o naghihintay ng releasing o renewal nito), kahit na ito ay natanggap dahil kapamilya ng isang EU national.

Maaari ring magsumite ng aplikasyon ang non-EU nationals na mayroong political asylum permit to stay (permesso di soggiorno per asilo politico).

Income ng employer na magsusumite ng aplikasyon

Ang employer ay dapat na mayroong itinakdang sahod o kita na nagbabago dipende sa uri ng trabaho ng dapat i-regularize; subordinate job o agricultural o domestic job (colf, babysitter, badanti)

Para sa regularization ng mga empleyado ng mga kumpanya, ng mga sole trader at mga kooperatiba ay dapat na mayroong ng isang taxable income o sales income sa huling tax return o financial statement ng hindi bababa sa 30 000 €. Para naman sa mga employer ng domestic workers (colf, caregivers, babysitters) sa halip, ang huling income tax return ay hindi dapat bababa sa 20 000 € kung ang employer lamang ang kumikita sa pamilya. Samantala, kung sa loob ng pamilya ay mayroong ibang kumikita, ang sahod ay hindi dapat na bababa kaysa sa 27 000 €. Sa kalkulasyon ay maaaring pagsamahin ang kita ng mag-asawa at ng kamag-anak hanggang second degree kahit na hindi naninirahang kapisan ng employer.

PAALALA: Walang anumang limitasyon sa kita kung ang employer ay isang taong mayroong karamdaman o kapansanan at limitado ang kanilang kapasidad o kakayahan bilang self-sufficient at nais i-regularize ang kanyang caregiver.

Kung ang anak ang magsusumite ng aplikasyon para sa kanyang ina na non self-sufficient ( non autosufficiente o hindi kayang pangalagaan ang sarili) ay kailangang patunayan nito ang pagkakaroon ng itinakdang kita o sahod (20,000 euros kung nag-iisa ang kumikita sa pamilya at 27,000 euros naman kung 2 o higit ang kumikita). Sa kaso lamang na ang aplikasyon ay isusumite ng legal custody ng taong paglilingkuran o sinumang binigyan ng custody ng batas ng non self-sufficient minors na karaniwang ang mga magulang.

Presensya sa Italya  

Ang mga dayuhang manggagawa ay maaaring gawing regular kung dumating sa bansang Italya on or before Dec 31, 2011.

Maaaring i-regularize ang mga non-EU nationals na walang permit to stay (o expired permit to stay o hindi na renew na mga permit to stay) o ang sinumang mayroong anumang uri ng permit to stay na hindi nagpapahintulot upang magtrabaho (hal. Political asylum, health assistance, justice etc..) o pinahihintulutan man ngunit paraang partial lamang (hal permit to stay para sa pag-aaral).

Maaari ring mai-regularize ang mga dayuhang mayroong pinanghahawakang request ng first issuance, conversion o renewal ng permit to stay.

Ang presensya sa Italya ay dapat patunayan sa pamamagitan ng mga dokumentasyon mula sa "pampublikong tanggapan o kinatawan" tulad ng anumang medical report ng pagkaka-admit sa Emergency, ang STP, renewal ng passport sa mga embahada, at notarial deed. Ang mga ito ay ipapakita sa Sportello Unico sa pagtawag nito upang pirmahan ang tinatawag na contratto di soggiorno.

Kahit na ang interministerial decree na kalalathala pa lamang ay walang nabanggit ukol sa mga patunay na ito, ay isinasaalang alang na ang mga resibo ng money transfer, commercial invoice, mga resibo ay hindi maaaring gamiting patunay ng pananatili sa Italya.

Simula ng trabaho

Ang trabaho ay dapat na sinimulan hindi bababa sa tatlong buwan bago ang petsa ng simulang ipatupad ang batas, at dahil sa ang batas ay simulang ipinatupad noong nakaraang August 9, ang trabaho ay dapat na nagsimula on or before May 9, 2012 (at dapat na nagpapatuloy hanggang sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon).

Maaaring gawing regular ang mga trabaho bilang provisory (determinato) o permanent (indeterminato) ngunit full time. Ang domestic job lamang ang pinapayagan ng trabahong part time, gayunpaman, hindi dapat bababa sa 20 hrs per week. 

Mangyaring tandaan na sa lahat ng mga kaso ay dapat na ibigay ang nakatakdang minimum wage na nasasaad sa collective contract. 

Ang pagbabayad ng kontribusyon ng 1,000 euros

Itinakda rin ng batas na ang employer, bago ipadala ang aplikasyon ay dapat bayaran ang form f24 Versamenti con elementi identificativi para sa  kontribusyon ng € 1.000. Ang bayad na ito ay maaaring gawin hanggang sa huling araw ng pagsusumite ng application for regularization (Oktubre 15).

Ang hindi kabilang sa regularization

Ayon sa batas, sa pagkakaroon ng anumang convictions ng employer o ng manggagawa, ay hindi maaaring mapabilang sa regularization. Hindi kabilang ang mga employer na nahatulan sa huling limang taon, kahit na ang sentensya ay hindi pa pinal, sa aiding at abetting ng ilegal na imigrasyon; para sa trafficking o prostitusyon ng mga menor de edad. Hindi rin kabilang ang mga employer na, sa kabila ng pagaaplay para sa working permit (nulla osta al lavoro) sa nakaraaang direct hire o regularization noong 2009 ay hindi itinuloy pirmahan ang contartto di soggiorno o hindi itinuloy ang hiring sa Centro per l’impiego o Inps, kung ito ay hindi dahil sa mabibigat na kadahilanan lamang. Hindi rin kabilang ang mga imigrante na pinatalsik dahil sa public order o security ng bansa at nahatulan, kahit na ang sentensya ay hindi pa pinal, ang anumang uri ng pagkakasala na tinutukoy sa Artikulo 380 ng Criminal Code (hal pagnanakaw, karahasan at iba pa). Ang Regularization ay ipinagbabawal rin sa mga kinikilalang mapanganib sa public order at security ng bansa at ng ibang bansang miyembro ng Schengen.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

May kapansanang Pinoy, nawawala sa Parma

Regolarizzazione. La guida di Stranieriinitalia.it