“Hindi maaaring sa kampanya lamang ito naririnig: Italyano ang sinumang ipinanganak sa Italya, ngunit mahalagang isaalang-alang rin ang pag-aaral”, sinabi ni Renzi sa kanyang partido.
Roma – Pebrero 18, 2015 – Ito ang kinumpirma ni Matteo Renzi. Para sa Democratic Party at gobyerno ay tila magsisimula ang isang “spring campaign” kung saan bibigyang pansin ang reporma sa pagkamamamayan ng ikalawang henerasyon.
Sa isang pulong ng PD kamakailan, ay sinabi ni PD secretary at Prime Minister Matteo Renzi na kailangang gawing aksyon na ang mga salita. Ayon pa sa paliwanag nito, “itigil na bilang magandang propaganda sa pangangampanya ang tema ng karapatan sa citizenship”.
"Masaydong marami na ang propaganda na ang sinumang ipinanganak sa Italya ay italyano. Para sa akin ay kailangang itigil na ito. Hindi dahil nagbago ang ating pananaw”, bigay-diin ni Renzi. “Kailangang gawin na itong batas, marahil ang pagaanin ito sa pamamagitan ng pag-aaral , ang ‘ciclo scolastico’ na lumabas sa debate ng partido at ng majority”.
Tinutukoy ni Renzi ang tinatawag na ‘ius culturae’, na magpapagaan umano sa ius soli. Samakatwid ay hindi magiging sapat ang ipinanganak sa Italya para magkaroon ng citizenship at isang mahalagang aspeto ang pag-aaral, halimbawa, ang pagpasok at pagtatapos ng elementarya sa Italya. Isang requirement na makikita sa maraming panukala na nanatiling naka-pending sa Committee on Constitutional Affrairs.
"Ito, dagdag pa ni Renzi, tulad ng ilang reporma ay kailangang samahan ng partido ng higit pang determinasyon kumpara sa ipinakita na hanggang sa kasalukuyan”.
"Mahalaga ang pagkakaroon ng mga events, seminar at mga talakayan. Mahalaga rin na ang mga lokal na pamahalaan ay bahagi nito. Ngunit higit na marami pa ang ating kayang gawin lalo na’t ang electoral law na inaprubahan ay magbubunga na, pagtatapos pa ng Premier – ito ay karagdagang insentibo upang ang PD ay maging pabrika sa paghubog ng isang democratic center-left coalition na may kakayahang baguhin at hamunin ang hinaharap. "