Question time ni Beppe Guerini (PD) sa Interior and Finance Ministries. “Maglabas ng implementino rules, kasama ang sa refund”
Roma, Hunyo 14, 2016 – Ano pa ang hinihintay ng Interior and Economy Ministries upang linawin sa lahat na ang buwis ng mga permit to stay ay hindi na dapat pang bayaran. Habang sila ay patuloy na nagbibingi-bingihan, walang anumang komunikasyon o circular, ay patuloy ang hindi makatarungang pagbabayad ng bawat imigrante ng daan-daang euros.
Ang kaso ay nasa House na, salamat sa isang question time kay Angelino Alfano at Pier Carlo Padoan na isinulong noong nakaraang Biyernes ni PD Deputy Beppe Guerini at pirmado ng mga kasamahan sa PD, Possibile at Sinistra Ecologia Libertà.
Alam at kilala ni Guerini ang tema hindi lamang dahil bago makarating sa Montecitorio ay isang aktibong abogado partikular sa tema ng imigrasyon. Noong nakaraang Disyembre, habang mainit na nagdi-diskusyon sa Stability Law, ay hiniling nito at tinanggap naman ng gobyerno na pag-aralan kung paano makakasunod sa naging hatol ng European Court of Justice na tinanggihan ang buwis sa permit to stay.
“Ngayon na ipinahayag na rin ng Tar ang desisyon, ay kailangang ipagbigay-alam agad sa mga Questure na hindi na nila maaaring hingin at tanggapin ang kontribusyon at ipaalam sa mga imigrante na hindi na ito dapat bayaran. May ilan, hanggang sa kasalukuyan, sa pag-aalinlangan ay maaaring hingan pa rin ng bayad, dahil sa paniniwalang maaaring manganib ang kanilang permit to stay” ayon kay Guerini sa Stranieriinitalia.it.
Sa ginawang question time ay tinalakay ang buong legal process na pinagdaanan nito sa pangunguna ng Inca Cgil laban sa buwis, ang hatol ng Justice Court at ang lumabas noong May 24 mula sa Tar Lazio, na nagpapawalang bisa upang ipatupad ang pagbabayad sa naturang buwis”.
“Sa kabila ng malinaw at tila pag-uutos na hatol – pagtutuligsa ng deputy – ay nananatili sa maraming kaso at maraming lugar na patuloy itong pinababayaran, walang anumang tinanggap na request of reimbursement at walang lumabas na implementing rules na gagarantiya sa epektibong pagsunod sa hatol buhat sa Europa at national level”.
Ang resulta ng katahimikang ito ng mga ministries? Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na humihingi ng bayad sa buwis at inanunsyong ihihinto nila o tatanggihan ang mga aplikasyon ng sinumang hindi magbabayad, tulad ng sinasabi ng mga post offices sa mga imigrante sa pagsusumite ng kit para sa releasing o renewal ng permit to stay.
Sa ginawang question time ay hinihingi sa Ministries of Economy at Finance na”maglabas ng circular o anumang uri ng angkop na komunikasyon na maglilinaw sa mekanismo ng pagtatanggal ng buwis sa releasing at renewal ng mga permit to stay. Gayun din ang mga mekanismo o batas na magpapadali sa pagbabalik ng binayarang hindi makatarungang buwis mulas noong 2012”.
Samantala, isang mahalagang aral ang natutunan. “Ang katotohanang kailangang dumaan muna sa korte upang maipatupad ang karapatan ng mga dayuhang mamamayan – ayon kay Guerini – ay isang pagkatalo para sa estado. Panahon na upang lisanin ang naka batay sa public security at gawing normal ang relasyon sa pagitan ng mga imigrante at institusyon”.
“Hindi maaari – paglilinaw ni PD deputy – na ang isang Italian ay Comune ang tanggapang pinupuntahan para sa identity card samantalang ang isang imigrante ay Questura para sa permit to stay. Ang pagpo-proseso ng mga permit to stay ay kailangang dalhin sa Comune, kasabay ang lahat ng mga kinakailangan upang ang mga ito ay ma-proseso”.