Ang buwan ng Enero ay mahalaga sa mga pagbabago sa domestic job partikular ang assessment sa minimum wage at halaga ng kontribusyon.
Sa Circular 15/2015 noong nakaraang Jan 29, ay inilabas ng Inps ang komunikasyon ukol sa mga bagong halaga ng kontribusyon ng mga colf na dapat bayaran ng mga employer. Halagang tumaas kasabay ng bahagyang pagtaas ng minimum wage sa ginawang assessment ng collective contract ng mag kinatawan ng mga manggagawa, employers at kasalukuyang gobyerno. Ito ay naging sanhi rin ng pagtaas ng allowances para sa board and lodging ng mga live-in workers.
Lahat ng ito ay nagsisimula ng Jan 1, 2018.
Ang social security contribution para sa mga colf ay isang obligasyon ng employer na dapat bayaran quarterly: mula 1-10 ng buwan ng April, July, October at January. Ang binabayarang kontribusyon, bukod sa pension ay mahalaga rin para sa worker sakaling kailanganin ang unemployment benefit o NASPI kung mawawalan ng trabaho, pati na rin sa maternity at sickness allowance.
Ang mga nabanggit na benepisyo na nakalaang matanggap ng mga workers ay batay sa antas ng trabaho, oras ng trabaho, tagal ng serbisyo at halaga ng sahod.
Upang malaman kung magkano ang halagang dapat bayarang kontribusyon ay mayroong dalawang paraan ang mga employer:
- Online sa website www.inps.it para sa direktang kalkulasyon ng mga employer;
- Ang katatalaga lamang na casetto previdenziale del lavoro domestico.
Sa madaling salita, para sa taong 2018, ang isang caregiver na inempleyo ng 50 hrs per week ay mayroong obligatory social security contributions na nagkakahalaga ng halos € 130 kada buwan.
Basahin rin:
Halaga ng kontribusyon sa domestic job, kalkulahin gamit ang software ng Inps
Cassetto Previdenziale del Lavoro Domestico, aktibo na para sa mga employers ng domestic jobs
Minimum Wage sa Domestic Job ngayong 2018