in

HIRING ng colf at mga caregivers, maaaring on line o sa telepono!

Bagong mga alituntunin simula Abril 1. Papalitan na rin pati mga postal bills para sa kontribusyon.

Roma – April 16, 2011 – Tapos na ang mga fax at mahahabang pila. Mula sa Abril 1, ang mga nagnanais na magkaroon ng isang kasambahay (colf), babysitters at caregivers  ay maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng INPS sa pamamagitan na lamang ng internet at telepono.

Upang ipahatid ang komunikasyon ng hiring, ng isang pagbabago, extension o pagwawakas ng isang trabaho, ang mga employer ay may tatlong pamamaraang maaaring pagpilian: ang web site www.inps.it, ang toll free number 803 164 (sa parehong kaso ay hihingin ang pin code mula sa INPS na inisyu sa lahat ng mga mamamayan), o sa pamamagitan ng kanilang mga awtorisadong tagapamagitan tulad ngj ob consultant, mga propesyonal, at mga asosasyon ng mga employer.

Mahalagang tandaan na ang komunikasyon ng hiring ay dapat gawin isang araw bago ang simula ng tabaho at para naman sa hiring ng isang banyagang manggagawa nananatiling obligado ang pagpapadala ng contract of employment (o contratto di soggiorno) sa Immigration office (Sportello Unico). Ang mga pagbabago, extension o pagwawakas ng isang trabaho sa halip ay ibinibigay ang isang komunikasyon sa loob ng susunod na limang araw.

Paalam na rin sa mga postal bill (o bollettini postali) sa pagbabayad ng mga kontribusyon, na mapapalitan ng MAV, na maaaring bayaran sa bangko pati sa post office. Ang pagbabayad ay maaaring gawin sa pamamagitan ng circuit network, ‘Reti amiche’ na bahagi na rin ang mga tindahan ng tabako (tabaccherie), o sa pamamagitan ng credit card sa website at sa pamamagitan ng pagtawag sa toll free 803,164.

“Ang pamamahala ng domestic jobs ay tunay na kumplikado. Dapat na pumunta sa mga front office ng INPS para sa hiring at pati sa pagbabayad ng kontribusyon. Ngayon – ayon pa sa presidente ng INPS, Antonio Mastrapasqua – maaaring gawin lahat sa sariling tahanan, sa pamamagitan ng personal computer o sa telepono. Ito ay isang rebolusyon sa sektor na ito.”

Sa katapusan ng 2010, naitala ang 718 000 colf at caregivers ng INPS, na pinangungunahan ng mga manggagawang Romanians 160,000, na sinusundan ng mga Italyano (150,000), Ukraine (77,000), Pilipinas (50,000) at Moldova (36mila). Subalit tinatayang may malaking bilang ng mga colf ang hindi nakatala dahil hindi ito nakadeklara.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PINOYS TROOP TO CHAMPIONS OF THE HEART CONCERT IN MILAN

MIDDLE NAME, mainit na pa rin!