“Walang kinabukasan sa Italya”, tulad ng mababasa sa mga flyers. Ang extreme-right ay tila nananakot na gagamitin ang kanilang ‘lakas’, ‘hanggang sa limitasyon ng pagiging legal’.
Roma – Pebrero 22, 2013 – “Imigrante, bumalik kayo sa inyong bansa! Sa Italya ay walang trabaho, walang bahay, at wala na ring kinabukasan”. Lahat ng bansa ay may kanya-kanyang mamamayan, bawat mamamayan ay may kanya-kanyang bansa”.
Ito ang nasusulat sa isa sa mga flyers ng Forza Nuova na idinikit noong nakaraang hatinggabi sa buong bansa ng mga followers nito, partikular sa mga lugar kung saan nagkikita ang mga imigrante tulad ng public parks, train stations at mga mosques. At upang madaling maunawaan ang mensaheng nasasaad, ay isinalin ito sa iba’t ibang wika tulad ng french, english, chinese at arab (at tila kinalimutan ang mga pangunahing komunidad)
Sa Italya ay hindi kinakailangan ang mga libu-libong imigrante na sa kasalukuyan ay naninirahan sa bansang Italya, ang Italya ay hindi na papayagan pa ito, ang Italya sa ngayon ay para na lamang sa kanyang sariling mga anak”, tulad ng paliwanag ng Forza Nuova sa kanyang FB profile. At nasasaad din “matagal ng panahon ang malinaw na galit sa ibang lahi ng Lega at ang madaling paraan ng moralismo ng mga liberals, communist at mula sa mga katoliko” at binigyang-diin ang “ ang natatanging paraan upang matulungan ang ibang nasyon ay ang mamuhunan sa kanilang mga bansa, na sa maraming taon ay pinahirapan ng komunismo at kapitalismo”.
Ang mga nakaka-awang third countries at ang pag-anyaya sa mga imigrante na bumalik sa kanilang mga bansa ay hindi bago sa mga propaganda ng extreme-right parties. Ngunit tila isang nakakapangilabot na pagbabanta ang mga ipinangako: “Simula ngayong araw na ito, ang Forza Nuova ay hindi na pahihintulutan, gamit ang lahat ng kanyang ‘lakas’ at hanggang sa limitasyon ng pagiging legal, ang paglikha at pagkakaroon ng micro/macro little africa o litte asia sa ating mga lungsod”.
Ngunit ang ‘lakas’ na nabanggit ay mapanganib na mapalitan ng ‘dahas’… at saan makakarating ang binanggit na “hanggang sa limitasyon ng legalidad”?