in

Instruction sa mga Questure ukol sa bagong electronic permit o stay

Narito ang circular ng Ministry of Interior ukol sa bagong PSE o electronic permit to stay.

 

Roma, Nobyembre 17, 2015 – Ang bagong permesso di soggiorno elettronico (PSE) o electronic permit to stay ay iri-release na sa buong bansa. Ito ay mas sigurado bukod pa sa mas moderno na maaaring ma-control lamang ng awtoridad sa pamamagitan ng isang reader. Narito ang mga katangian ng bagong uri ng dokumento.

Ang mga Questure na hindi kasali sa experimental period ay magre-release na rin ng bagong PSE sa sinumang nag-aplay ng renewal o first issuance nito simula nitong nakaraang Nov 10. Gayunpaman, ang mga nag-aplay bago ang petsang nabanggit ay iisyuhan ng lumang uri ng dokumento. Ang sinumang balido pa ang dokumento ay mag-aaplay lamang nito sa pagsapit ng expiration ng dokuemnto.

Ang Interior Ministry ay nagpadala ng isang Circular sa lahat ng mga Questure sa bansa kung saan ipinaliwanag ang bagong proseso. Narito:

Ministero dell’Interno. Nuovo modello di permesso di soggiorno elettronico conforme al regolamento CE n. 1030/2002, così come modificato dal Regolamento CE n.80/2008

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Remittance mula sa Italya, bumaba dahil sa mga Chinese

Finger print pati sa mga menor de edad, obligado sa bagong permit to stay