in

ISTAT: 1033 euros bawat buwan ng mga pamilyang binubuo ng mga dayuhan lamang

Ang average yearly income ng mga pamilya na mayroong dayuhan ay ang 56% ng mga pamilya na mayroong mga Italyano. Ang Ukrainians ay ang pinakamahirap, ang Polish naman ang pinakamayaman.

altRome –Ang mga pamilya na mayroong dayuhan ay nagpapakita ng isang yearly net income ng 14,469 €, halos ang 56% ng naitala ng mga Italian families. Ang kalahati ng mga pamilya na mayroong dayuhan ay may maximum monthly income ng 1206 € at bumababa sa 1033 kapag binubuo lamang ng mga dayuhan at tumataas sa 2.136 kung binubuo ng mix family.

Ito ay inihayag ng Istat sa ulat na “Ang kinikita ng pamilya na may mga dayuhan – Taon 2008/2009” na inihanda sa pakikipagtulungan ng Ministry of Labour at itinanghal kahapon sa mga press.

Makabuluhan ang pagkakaiba sa pagitan ng iba’t-ibang mga komunidad. Ang Istat ay inihayag na ang kinikita ng mga Ukrainian families ay ang pinakamababa kumpara sa mga Italians na katumbas ng 42.9%, sinusundan ng  Indians 48%, Moroccans 50.3%, Moldovans 50.9%, habang ang Polish families ay 65.4%, Peruvian 64.7% at Filipino families  59.2%. .

Sa average, ang 90.6% ng net income ng mga pamilya na binubuo lamang ng mga dayuhan ay kumakatawan sa mga kinikita sa trabaho, kumpara sa 63.8% lamang ng mga pamilya ng mga Italyano. Sa mga Italians, ang kinikita ng mga nagtapos sa unibersidad ay mas mataas ng 75% kaysa sa mga taong may diploma lamang sa elementarya (median value ng 1.868 € kumpara sa 1067); sa mga dayuhan ang pagkakaiba ay bumababa sa 8% (1039 laban 958).

Ang  survey ay kinukumpirma na kondisyong pinansyal  ay napapabuti sa pagtagal ng panahon ng pananatili sa Italya. Kung ang isang pamilya ng mga dayuhan ay nakatira sa Italya ng higit sa 12 taon, ang kita ay higit ng  40% kaysa sa isang pamilya na namamalagi sa halos dalawang taon lamang. “

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, nahulihan ng methamphetamine

Appointment online para sa Sportello Unico sa Roma