Sa bagong Salvini law ay isa sa pangunahing requirement para sa naturalization ang kaalaman sa wikang italyano sa antas na B1 at ito ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng angkop na sertipiko.
Matapos ang mga pagbabago sa decreto Salvini Sicurezza, ayon sa ilang kilalang website para sa migrasyon, mayroong mga Prefecture na nagpapadala ng ‘preavviso di diniego’ sa mga aplikante batay sa ex art 10 bis legge 241/1990.
Ayon sa abiso, ang mga aplikante ay kailangang ilakip sa aplikasyon ang sertipiko ng kinakailangang antas (B1) ng wikang italyano mula sa accredited public o private entities sa loob ng 30 araw. Ang aplikasyon umano ay archiviata kung hindi maibibigay sa panahong nabanggit ang hinihinging requirement.
Ito ay ang mga Prefecture sa Cosenza, Sardegna, La Spezia at Torino.
Bukod dito, nagsisimula na ring mag-reject ng mga applications dahil sa kawalan ng sertipikong nabanggit.
Isa na dito sang Croatian interpreter na may kasunduan sa Polizia di Stato at Tribunale ang tinanggihan ang naturalization application. Sa katunayan, sa online ay makikita ang isang komunikasyon: Tinanggihan ang aplikasyon sa kawalan ng self certification o certification ng level B1.
Ito ay sa kabila ng pagiging interpreter ng aplikante, may diploma ng maturità, liceo classico at kasalukuyang naka-enroll sa laurea di giurisprudenza.
Hanggang sa kasalukuyan ay may apat lamang na accredited institution sa sistema ng CLIQ (Certificazione Lingua Italiana di Qualità). Ito ay ang:
- Università Roma Tre
- Università per Stranieri di Perugia
- Università per Stranieri di Siena
- Società Dante Alighieri