Ayon sa ‘ulat’ ng Caritas 2010, ang pangalawang komunidad na nagpapadala ng malaking ipon sa sariling bayan mula Italya ay ang mga Filipino (pangalawa sa mga Instik), sa kabila ng pagiging pang 6 lamang sa 30 komunidad ng mga dayuhan na nasa Italya. Tinatayang may 123,584, o 2.9 % ng kabuuang bilang ng mga dayuhan sa Italya.
Ang pagpadala ng pera ay madalas na nagbubunga ng kaunlaran, sa pamilya, sa ekonomiya at sa lipunan. Ang matinding dahilan ng pag-iipon ng mga Filipino sa bansa ay upang ilaan ito sa pag pupundar o pag iipon sa bayang sinilangan, sa Pilipinas. Mga bahay na mistulang palasyo na hindi natitirahan at kailanman ay hindi pauupahan, pagbili ng lupang pang agrikultura, taniman ng palay, mais at iba pa, pati na rin ang pagbili ng bangka sa pangingisda. Ilan lamang ito sa mga pinaglalaanan ng buwanang remittance ng bawat Filipino na umaabot mula 350 hanggang 400 euro, buwan buwan na maaaring madagdagan kung may emerhensiya sa pamilya.
Sinasabing mula sa lalawigan ng Batangas ang halos 70% ng kabuuang popolasyon ng mga Filipino sa Italya. Calabrazon Region, Lalawigan ng Batangas, ang lungsod ay Mabini, ang village ay Pulong Anahao. Dito matatagpuan ang isa sa pinaka mahalagang Italian Village sa Pilipinas.
Ang Italian Village, ay ang katuparan ng mga remittances ng mga migranteng Filipino sa Italya: 512,000,000 Euro noong 2006 (doble ng remittances noong 2005). Sa ulat noong Oktubre 2010, ang Italya ay pang walong bansa (pagkatapos ng Estados Unidos, Canada, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, Singapore, United Arab Emirates) sa ranggo ng mga bansang pinanggalingan ng remittances at para sa bansa ng Asia nagkakahalaga ito ng10.8% ng GNP (gross national product), sa taong 2010 ito ay tinatayang umabot ng 18 billion dollars (+ 5, 6% sa 2009).
Dahil dito halos lahat ng migranteng Pinoy, ay nag umpisa sa isang adhikain ng isang magandang kapalaran, pakikipagsapalaran ang tiyak na kasunod nito sa pangingibang bayan at babalik ng Pilipinas sa pagtanda. Ngunit ito ay tila nalilimutan at ang nagiging sanhi ng pagiging balik-bayan ay isang bakasyon lamang. Mga bagay na nagbibigay ng pangamba ay ang kawalan ng kasunduan ng Pilipinas sa bansang Italya ng ganap na kasunduan pagdating ng panahon ng pagreretiro, ngunit tila hindi ito hadlang sa patuloy na pagbabanat buto ng maraming Filipinong nasa Italya at sa mga Filipinong patuloy na naghahangad na makarating ng Italya sa pamamagitan ng ‘direct hiring 2011′.
Ang Emigration para sa mga bansa ng Asya ay isa sa pinaka mahalagang paraan upang mapaunlad ang ekonomiya. Kaya ang pamahalaan, sa pamamagitan ng mga embahado nito sa ibang bansa ay aktibong gumagawa ng mga kasunduan, upang mapadali ang pagpasok ng mga Filipino lalo na ng mga skilled workers tulad ng mga doktor, inhinyero, guro, mga espesyalista sa teknolohiya sa mga bansang Qatar, Saudi Arabia, Canada, Australia, Japan, Libya.