Ayon sa leader ng Lega Nord: “Walang kinalaman si Kyenge sa mga kaganapan sa Milan. Ngunit kung sinasabing gustong tanggalin ang krimen ng pagiging irregular, ang mga manloloko ay agad nagsisimulang kumilos”.
Rome, Mayo 14, 2013 – “Walang anumang koneksyon ang proposal ni Minister Kyenge at ang pangyayari sa Milan: ang nasasangkot na imigrante ay wala sa pag-iisip”, ayon kay Roberto Maroni. “Hindi ko gusto na magkaroon ng anumang koneksyon ang mga programa ni Minister at ang pangyayari sa Milan”. Ngunit “ang imigrasyon, sa sinumang nasa posisyon, ay isang tema na dapat pamahalaan ng mahusay”
Ang head ng Lega Nord at Pangulo ng Lombardy Region ay tinuligsa si Kyenge sa isang panayam ng pahayagang Repubblica at sinabing, “sa kabuuan ng mga magagandang hangarin ito, kung saan mabibigat ang mensahe ay hindi maiiwasang mayroong mangyari”.
Paalala ni Maroni – “Matapos maitalaga, si Minister Kyenge ay nagsalita ukol sa pagtatanggal bilang krimen ng pagiging undocumented o hindi regular at ang kilalang ius soli. At ang kanyang mga salita ay agad na natumbok ang pinangmumulan ng irregular immigration. Samakatwid, ang mga organisasyon ng human trafficking ay nalaman ang pagkakataon ng muling simula ng kanilang aktibidad”.
Ayon pa dito, “ang ius soli ay hindi kaylan man aaprubahan. Dahil na rin walang majority sa Parliament: ang gobyerno ay maaaring muling mabuwag. At labag din ito sa ating tradisyon at sa sistema ng welfare”. Sa pagbabago ng batas, ay maaaring mabawasan ang panahon”.
Ukol naman sa mga pangbabatikos kay Kyenge, para kay Maroni ang “Lega ay hindi kaylan man naging rasista at hinid kaylan man magiging ang head nito. Totoong mayroong mga salitang hindi maganda o masasakit tulad ng mga nabanggit ni Borghezio. Mga komentong aking nilayuan. Kami ay nag-uusap ng aming mga ideya at nire-respeto namin kung kanino man nanggaling ang mga ito. Gayunpaman, kami ay hindi sang-ayon sa mga sinabi ni Minister, ngunit siguradong pareho ang aming reaksyon kung ang nagsalita ukol sa pagtatanggal sa krimen at pagsasalita ukol sa ius soli ay si Enrico Letta.