in

Krisis, sanhi sa nabawasang bilang ng mga permit to stay

Nabawasan ng 25% sa isang taon ang ni-released na permit to stay, partikular ang para sa trabaho, kahit pa 13% ng mga employed ay mga dayuhan. Narito ang mga datos buhat sa International Migration Outlook 2013.

Rome – Oktubre 14, 2013 – Wala nang makapipigil sa imigrasyon sa Italya: mga imigrante ang 7,3 % ng mga residente, 13% ang mga employed, 12% ang mga negosyante, 8,4% ang mga mag-aaral. Ang krisis sa ekonomiya, gayunpaman, ay higit na nararamdaman sa trabaho. Patuloy rin ang pagtaas ng unemployment at kasabay nito ang pagbaba rin sa bilang ng permit to stay para sa trabaho.  

Ito ay ayon sa pananaliksik ng International Migration Outlook 2013 ng OCSE, inilabas kamakailan sa Roma. Narito ang detalye, sa pakikipagtulungan ng Censis foundation.

Tinatayang  4,387,721 ang mga dayuhan na regular na residente sa bansa, katumbas ng 7.3% ng kabuuang populasyon, ayon sa pinakahuling datos. Sa loob ng huling dekada, ang bilang ng mga dayuhan sa Italya ay tumaas sa average na 11%  kada taon, isang pagtaas ng halos 3 milyong katao. Halos two-thirds ng mga dayuhan ay namumuhay sa Hilagang Italya, karamihan sa Lombardy, kung saan matatagpuan ang 23,4%, at tinatayang aabot sa 10.5% ng buong populasyon. Kabaligtaran naman sa South Italy kung saan ang bilang ng mga dayuhan ay tinatayang aabot sa 615,000 o ang 3% ng populasyon.

Epekto ng krisis sa ekonomiya.

Hindi rin nakaligtas sa epekto ng krisis sa ekonomiya sa taong 2012 ang ‘regularization’. Ang mga bagong permit to stay para sa mga non-EU nationals ay umabot sa 246.760, may pagbaba ng 25% kumpara noong 2011 at ng 58% kumpara sa taong 2010 (kada taon sa pagitan ng 2008 at 2010, ang bilang ay karaniwang higit sa 500,000) .

Ang pagbaba ay higit na na-iiugnay sa mabilis na pagbaba sa releasing ng mga permit to stay para sa trabaho. Ang bilang ay bumaba ng 81,4%, mula sa 359,000 sa taong 2010, sa 119,342 ng taong 2011 at 66,742.

Ang pagbaba ay higit na apektado ang mga permit to stay sa trabaho na may validity mula sa isang taon: ang mga permit to stay na may validity ng higit sa 1 taon ay 166,000 at bumaba sa 55% ng 2010 at 46% ng 2012.

Samantala, ang bilang ng mga permit to stay para sa pamilya ay tinatayang 119.745, higit na marami kumpara sa mga permit to stay para sa trabaho. Sa taong 2012 ang permesso di soggirono per ricongiungimento familiare ay katumbas ng 48.5% ng kabuuan (43% noong 2011, 30% noong 2010), habang ang para sa trabaho ay 27%.

Mga bansang pinagmulan

Sa kabuuan, ang bansang pinagkalooban ng tinatayang 247,000 permit to stay sa taong 2012 ay ang China kung saan 25,000 ang mga bagong released o ang 10.1% ng kabuuang bilang. Sinundan ng Timog Asya na may 20.5% (11,600 mula sa India at 8,500 mula sa Bangladesh, 6,600 mula sa Sri Lanka at 7,700 mula sa Pakistan); 15.4% naman ang mula sa North Africa (kung saan 21,000 mula sa Marocco, 9,400 sa Egypt at 6,000 sa Tunisia); para sa 12,9% ang Balkan peninsula (kung saan pinaka marami ang mga Albanians na mayroong 18,400 permit to stay); 11,2% mula sa Silangang Europa at Gitnang Asya (kung saan  8700 mula sa Moldova at 8500 mula sa Ukraine); 11, 2% mula sa Latin America, 10.3% mula sa Sub-Saharan Africa.

Trabaho

Tumaas din ang unemployment rate para sa mga imigrante. Tumaas ng 13,8% (o ang 15,6% ng mga kababaihan, higit ng 1,5 kumpara sa taong 2011).

Gayunpaman, sa taong 2012 ang bilang ng mga imigrante ay tumaas pa rin, kahit na higit ang naging pagtaas sa mga nakaraang taon: +2,9%, umaabot sa halos 3 milyon. Ang mga dayuhan sa ngayon ay kumakatawan sa 13% ng employment rate ng bansa, kung saan partikular na mataas sa industriya ng konstruksyon (21.7%) at agrikultura (15.9%). Para sa taong 2013, ang mga Italian companies ay inaasahan ang pagtanggap sa 42,960 mga non-seasonal workers lamang , mas mababa ng 29% kaysa 2012 at mas mababa ng 59% kaysa 2010.

Negosyante  

Tinatayang 399,093 ang mga mamamayan buhat sa ibang bansa ang mayroong negosyo sa Italya sa kalahatian ng 2013 (+3,6% kumpara noong nakaraang taon. Kumakatawan sa 12,1% ng kabuuang bilang ng mga negosyante at umabot sa 21% sa sektor ng konstruksyon, 15.7 % sa komersyo at 13.7 % sa manupaktura .

Edukasyon

Para sa school year 2011/2012 ang mga dayuhang mag-aaral sa taong 2011/2012 ay 755,939 o 8,4 % ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral. Kumpara sa nakaraang school year, ang pagtaas ay umabot sa 45,767, katumbas ng 6.4 % . Ang 59,515 mga dayuhang nakatala sa mga unibersidad sa taong 2009/2010 ay kumakatawan lamang 3.3 % ng kabuuang populasyon sa unibersidad (mayroong 56,100 , o 3.1 % ng kabuuan noong 2009, ngunit 8758 lamang limang taon ang nakakalipas) . Sa school year 2010/2011 ang mga nagtapos na di- Italyano ay 7160 , o 2.5 % ng 289,130 ​​mag-aaral na nakapagtapos ng pag-aaral.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship: Ano ang ibig sabihin ng “il decreto di concessione è alla firma”

Miss World 2013 Megan Young, nagtungo sa palasyo