Finocchiaro (PD): “Hindi namin matatanggap”
Roma, Agosto 2, 2012 – Ang Lega Nord at PDL ay nagsumite ng isang Odg sa Senado na suspindihin ang desisyon sa nalalapit na regularization ng mga dayuhan. Ang odg ay nakapasok sa Dl n.89 ukol sa extension ng mga tuntunin sa kalusugan kung saan ay tinatalakay at pagbobohan ngayong araw na ito.
"Sa Senado ay tatalakayin at pagbobotohan ang conversion sa batas ng Dl n.89 ng extension sa mga tuntunin ng kalusugan. Kabilang sa mga agenda na isinumite sa Dl, ang odg G5 na pinirmahan ni Bricolo, Gasparri, Viespoli ukol sa sa regularization ng mga imigranteng manggagawa, na ayon sa PD ay “hindi dapat isaalang-alang dahil malinaw na hindi kaugnay sa agenda at inaasahan namin na ang Pangulo ng Senado ay magbibigay ng linaw ukol dito”.
Ito ang idineklara ng Pangulo ng PD Group, Anna Finocchiaro.