in

Lega Nord: “Tatlong buwang benepisyo pasa sa mga migrante, pagkatapos ay ang pag-uwi sa sariling bansa!”

Kabilang sa mga panukalang ihaharap ng Lega Nord sa House ay (muli) ang pagbabawas sa benepisyo ng mga nawalan ng trabahong mga dayuhan. Khalid Chaouki (PD): “Nakakahiya kayo!”

altRome – Habang ang Italya ay sinusubukang maka-ahon sa pinaka-malubhang krisis sa ekonomiya sa buong kasaysayan ang Lega Nord naman ay hindi maaaring huminto ng paghahanap ng paraan upang iparamdam na ‘iba’ ang mga manggagawang dayuhan at tuluyang paalisin ang mga ito sa bansa.

Ito ay malinaw na nakasulat sa isang panukalang inilahad kahapon ng mga miyembro ng Lega Nord, ang unang signatory ay ang party Head na si Reguzzoni,”ayon dito – sa mga utos sa pag-unlad”s isa sa mga bagay na nabanggit ay ang pagbawas ng tatlong buwan sa benepisyo ng mga nawalan ng trabaho ng mga non-EU nationals, at hindi anim na buwan tulad ng nabanggit sa batas ng migrasyon.

Ang ideya ay buhat kay Massimo Bitonci, na syang lider ng Lega sa komite na badyet. Paliwanag pa nito – “kung ang isang non-EU national ay mawalan ng trabaho at hindi maipapakita na may sapat na mapagkukunan sa pananatili sa Italya, matapos ang tatlong buwan ay kailangang pabalikin sa sariling bansa”.

Sa katunayan si Reguzzoni at ang kanyang mga kasama ay nagmungkahi ng mga ideya sa ibang okasyon na hindi naman nagtagumpay. Noong 2009, halimbawa, si Fugatti ay sinubukang magmungkahi ng anim na buwan lamang na benepisyo sa mga na-layoff, at agad namang binawi ang panukala matapos malamang labag sa saligang-batas at sa batas ng migrasyon, dahil sa pantay na pagtingin sa mga manggagawang migrante  at Italyano.

Ang mga ito ay nakalimutan din na sila ay bahagi ng mga commitments na ginawa ng pamahalaan.

Wala pang isang taon ang nakalipas, sa Montecitorio, ang under-secretary ng Ekonomiya Giuseppe Casero ay tinanggap sa katunayan ang dalawang ODG (ng PD, pati na rin ng PDL) upang pahabain ang duration ng permit to stay ng mga naghahanap ng trabaho upang maiwasan ang maging clandestine dahil sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya. Si Reguzzoni ba ay presente sa House noong araw na iyon?
 

Chaouki (PD): “Para sa Lega Lord, ang mga migrante ay mga manggagawang disposable
 

“Ang mga panukala ng Lega Nord para sa mga manggagawang migrante ay talo pa ang pinakamalalang rehimen, kung saan ang mga imigrante ay tila lamang mga machine na nagtatrabaho, na tila disposable na maaaring itapon pagkagamit, na walang dangal at walang karapatan,” ayon kay Khalid Chaouki, pinuno ng New Citizen ng Democratic Party.

“Kailangang paalalahanan ang mga taga Lega Nord, sa harap ng kanilang mga protesta, na ang mga manggagawang migrante ay hindi nagsisilbi kay Bossi at Reguzzoni. Ang mga ito ay mga tao na nag-ambag sa ikabubuti ng bansang ito, karamihan ay na-regularized dahil sa kanila sa pamamagitan ng Amnesty (sanatoria) na maituturing na isang record at sa kasalukuyan ay biktima ng krisis ng ekonomiyang hindi nila kasalanan, ay maaaring itapon at kilalaning clandestines na dapat pauwiin sa sariling bansa”.

“Ang Lega Nord – pagtatapos pa nito – ay dapat mahiya sa mga panukalang rasista na hindi rumerespeto sa mga prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao upang makakuha ng ilang mga boto.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

English Guide ng Census 2011

4,782 births in the Philippines daily