in

Mas mabilis na entry visa para sa mga investors, students at researchers

Ang Ministries of Foreign Affairs, Interior and Labor ay tatapusin ang bagong regulasyon. Tatanggalin ang maximum numbers ng entries para sa mga universitarians. Ipatutupad ang panukala “Destinazione Italia”.

Roma, Enero 7, 2014 – Ang paglago ng Italya ay dadaan din maging sa mga embahada, konsulado at maging sa mga himpilan ng pulis (Questura) dahil ang pagpapadali at pagpapabilis ng proseso upang magkaroon ng entry visa at pagkatapos ng permit to stay ay makakatulong upang makahikayat ng mga investors at mga genious sa bansang Iatlya.

Sinimulan sa pananaw na ito ng gobyerno ang pagsasa-batas ng panukalang “Destinazione Italia”, na inilathala sa Official Gazette noong Dec 23. Ang artikulo 5 ng nasabing batas ay nagsasaad ng “mas madaling pagpasok at pananatili sa Italya para sa start-up innovative, research and education”.

Ang bagong dekreto ay nagsasaad na ang Minsitires of Foreign Affairs, Interior at Labor ay gagawa ng bagong pamamaraan upang mapadali ang proseso ng mga entry visa at ng permit to stay na nauugnay sa start-up innovative,  mga investments, higher education, research at patronage sa pakikipagtulungan ng mga kumpanya, universities, research entities at ibang public o private Italian entities”.

At upang tuluyan na mabago, ay kailangan pa ring hintayin na ang 3 ministries ay tapusin ang bagong regulasyon. Samantala, ay agad naman ipinatutupad ang ilang susog sa Batas ng Imigrasyon (TU) na nasasaad sa dekreto.

Kabilang dito ang first level masteral degree ng mga dayuhang mag-aaral (na hanggang sa kasalukuyan ay hanggang second degree lamang) ay maaaring magpatala sa employment center (ufficio di collocamento). At kung sakaling makahanap ng trabaho ay maaaring mai-convert mula sa pag-aaral sa trabaho ang hawak na permit to stay.

Ang dekreto ay magtatanggal din sa maximum numbers of entry visa at permit to stay para sa mga dayuhang manggagawa na residente sa ibang bansa na nais magpatala sa mga italian universities. Hanggang sa kasalukuyan ang maximum number ay taunang tinutukoy ng gobyerno.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Anak ko ‘yan, may talent!

Colf, caregiver at babysitter. Deadline ng konribusyon sa Jan 10