Kaugnay sa pag-aanunsyo ng gaganaping pagdiriwang sa darating na linggo ng World Day of Migrants and Refugees 2013, inihayag ng direktor ng Migrantes foundation ng CEI na si Monsignor Paolo Perego na maraming dayuhan ang nililisan ang Italya dahil sa kasalukuyang krisis.
Vatican, Enero 9, 2013 – “Maraming migrante ang nililisan ang ating bansa dahil sa kasalukuyang krisis mga ilang buwan na, noong una pumapasok sa Italya mula sa Spain, ngayon mula sa Italya ay nagtutungo sa ibang bansa”.
Ito ang inihayag ng direktor ng Migrantes foundation ng Cei na si Monsignor Paolo Perego sa paga-anunsyo sa nalalapit na pagdiriwang ng World Day of Migrants and Refugees 2013 na gaganapin sa darating na linggo.
“Tulad ng ating napag-alaman – pagpapatuloy pa ni Perego – kulang ng 800,000 migrante sa huling ufficial data ng Census: Nasaan sila? Bumalik sa pagiging irregulars? Nasa ibang bansa?”. Binigyang-diin din ni Perego na “sa panahong ito, 750,000 ang mga trabahong nawala sa mga migrante. Dahil dito, dagdag pa nito, ay isang kakaibang ‘mobility’ ang napapaloob sa Europa. Kahit sa Germany, halimbawa, bago matapos ang taong nagdaan ay tumaas ng halos kalahating milyon ang mga migrante at 46,000 ng bilang na ito ay pawang mga Italians”, ito ay nagpapatunay lamang na malakas ang migrasyon kahit sa loob mismo ng mga bansa ng Europa.