Rome, Enero 8, 2012 – Inilathala kamakailan ng Commission on Filipinos Overseas ang 2011 Stock Estimate of Filipinos Overseas. Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga Pilipinong ipinanganak sa Pilipinas ngunit naninirahan at nagta-trabaho sa ibang bansa.
Ito ay naglarawan ng tatlong kategorya ng mga Pilipino sa ibang bansa, ang permanent migrants, ang temporary at ang irregular migrants.
Mahalagang bahagi ng 2011 Stock Estimate ang ulat ng IOM – International Organization for Migration sa ''Health in the Post-2015 Development Agenda'' kung saan nasasaad na ang 5% o 10.46 million sa kabuuang 215 million international migrants ay pawang mga Pilipino na matatagpuan sa 217 bansa.
Sa taong 2011, ang permanent migrants ay tinatayang umabot ng 47% o 4.86 million at tumaas ng 10% kumpara sa taong 2010. Samantala ang temporary migrants naman ay 43% o 4.51 million at tumataas ng 4.36% at ang irregular migrants ay 10% 0 1.07 million at tumaas ng 52%.
Ayon pa sa ulat, karaniwang matatagpuan ang mga irregular migrants sa United States, Malaysia, at Singapore.
Inilathala rin ang top 10 destination countries ng mga Pilipino. Ito ay ang US (33%), Saudi Arabia (15%), Canada (8%), UAE (7%), Malaysia (5%), Australia (4%), Japan (2%), United Kingdom (2%), Italy (2%), Singapore (2%). Bukod sa Italy at Singapore, ang lahat ng mga bansang nabanggit ay kabilang sa top destination noong nakaraang taon. (source Commission on Filipinos Overseas)