Wala ng diskriminasyon at sa unang pagkakataon, dalawang public announcements sa Genoa, ang nagbibigay posibilidad maging sa mga non-EU nationals.
Genoa, Nobyembre 9, 2015 – Ang Amt at ATP, ang mga kumpanyang namamahala sa pampublikong transportasyon sa Genoa at mga probinsya, ay naghahanap ng mga tsuper o driver ng mga bus. At isang magandang balita dahil sa unang unang pagkakataon, kahit ang mga imigrante ay maaaring ipagmaneho at dalhin ang mga turista sa pamamasyal sa buong lungsod.
Hanggang noong nakaraang taon at kalahati, sa Italya ang mga tauhan ng treno, tram, mga buses at ilang uri ng transportasyong lokal ay mga mamamayang italyano lamang ayon sa pinaiiral na batas. Ito ay isang batas noong 1931, noong ang Italya ay hindi pa man isang Republika at nasa ilalim ng isang royal decree na pinirmahan ni Vittorio Emanuele III.
Nakaraang siglo pa? Tuluyan na ba itong napalitan? Hindi ayon sa ilang kumpanya ng pampublikong sasakyan, tulad ng Amt ng Genoa, na regular at patuloy na ipinatutupad ito. Ang kanilang mga ginagawang public announcements ay bukas lamang para sa mga Italyano at (pampalubag-loob) sa mga Europeans, at palaging excluded ang mga non-EU nationals. Kailangang lumapit palagi sa hukom upang ipagpilitang tanggalin ang diskriminasyon.
Sa wakas, nitong Abril 2014, isang dekreto ng gobyerno ang tuluyang nagtanggal sa dekreto ng dating hari. Ito ay ipinatutupad na rin ngayon sa Genova, tulad ng mababasa sa public announcement ng Amt at Atp, at maaari na ring mag-aplay bilang driver ang mga non-EU nationals. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng angkop na driver’s license sa pagmamaneho ng autobus at isang permit to stay na per lavoro.