Narito ang bagong minimum wage na itinalaga sa taong 2015 hatid ng renewal ng contratto di lavoro domestico at ng pag-aangkop nito sa cost of living.
Roma – Pebrero 7, 2015 –Dahil sa pagtaas ng cost of living at renewal ng contratto del lavoro domestico ay magbabago rin ang minimum wage para sa mga colf, caregivers at babysitters.
Nitong nakaraang lunes ay nagpulong ang isang komite na binubuo ng mga asosasyon ng employers at mga union sa Ministry of Labor kung saan itinalaga ang bagong minimum wage para sa taong 2015, lakip ang board and lodging. Bagaman Pebrero na, ito ay simulang ipatutupad mula Enero 1 at samakatwid, ang mga employer na pinasahod na ang kani-kanilang kasambahay para sa buwan ng Enero na ang halaga ay ang minimum wage ng nakaraang taon ay daragdagan ang sahod sa susunod na buwan.
Ang minimum wage ay ang pinakamababang halaga ng sahod per hour, per day at per month na maaaring ibayad ng isang employer, ayon sa batas.
Walang anumang balidong dahilan na ang sahod ng isang manggagawa ay mas mababa sa minimum wage na itinalaga ng contratto nazionale del lavoro ng domestic job, at ito ay angkop sa antas ng trabaho.
Ang minimum wage ng mga kasambahay ay ina-update taun-taon batay sa cost of living. Ang mga bagong halaga, sa pamamgitan ng isang national committee na binubuo ng mga employers at labor union, ay ina-update sa Ministry of Labor and Social Policy batay sa antas ng CCNL lavoro domestico (national collective labour contract for domestic job), simula lev A hanggang sa pagkatapos ng isang angkop na pagsasanay, ay makakapag-alaga sa mga non-autosufficienti o mga dependent na matatanda (lev DS). Mayroon ding pagkakaiba sa pagitan ng live-in (kahit part-time), at hindi live-in at ang mga worker na pang-gabi.
Ito ay karaniwang sinisimulang ipatupad mula Enero 1, kasama ang halaga ng board and lodging.