in

Ministry of Interior, mas pinasimple ang access sa website ng Decreto Flussi 2023

Sinimulan noong January 30 at magtatapos hanggang March 22, 2023 ang paghahanda o pagpi-fil up ng mga aplikasyon para sa Decreto Flussi 2023 at ang mga ito ay maaaring i-submit online sa March 27.  Samantala, sa pamamagitan ng isang Circular at isang Note ay ipinaliwanag ng Ministry of Interior ang pinasimpleng access sa itinalagang website (ALI).

Ipinapaalam sa lahat – ayon sa Ministry – na ang bawat aplikante ay maaaring magsumite ng isa o higit pang aplikasyon, sa pamamagitan ng SPID at pagpili ng angkop na application form batay sa trabaho (hal. seasonal, subordinate, atbp.).

Hindi na kailangang mag-request ng profiling sa Prefecture at wala na ring limitasyon sa mga aplikasyon.

Awtomatikong pinoprofile lamang ng computer system ang mga sumusunod na operators:

  • ang mga asosasyon o organisasyon ng mga professionals na pumirma ng MOU (Memorandum of Understanding) sa Ministry of Labor and Social Policies, alinsunod sa art. 44, talata 5 ng batas Hunyo 21, 2022 n. 73, isinabata ng batas 4 Agosto 2022 n. 122, batay sa procedure ng simplification;
  • ang mga asosasyong may nakalaang quota para sa seasonal job sa agricultural sector, alinsunod sa art. 6, punto 4 ng decreto flussi 2022, bilang pagsunod sa probisyon;
  • ang mga entities na tumatanggap ng pondo mula sa Ministry of Labor and Social Policies alinsunod sa art. 13 ng batas n. 152/2001 at ang D.M. Oktubre 10, 2008 No. 193 table D, para sa mga periodocal obligations.

Sa layuning ito, kailangang ipadala ng mga Head Office ng mga Partonati at mga asosasyon o organisasyon ng mga professionals ang listahan ng mga operators na bibigyan ng access, kasama ang kanilang tax code, sa mga sumusunod na certified email address: politicaimmigrazione@pecdlci.interno.it; politicamigratorie@pecdlci.interno.it.

 Integrazione Migranti – Ministero del Lavoro e delle Politiche Sociali

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tagtuyot, ikinababahala ng Italya

Ako ay Pilipino

Ministry of Interior, naghahanap ng mga experts para sa mga tanggapan ng Cittadinanza