in

Napolitano: Isang emerhensya ang integrasyon ng mga anak ng mga migrante

Sa mensahe ng Pangulo ng Republika sa bansa bago magtapos ang taon ay isang mahalagang paksa para sa ikalawang henerasyon. “Kailangan ang mabilisang desisyon at isang pananaw sa hinaharap”

altRome – Sa kanyang mensahe sa bansa, ang Pangulo ng Republika Giorgio Napolitano ay binanggit din ang mga migrante ang mga anak nito, at muling inulit ang mainit na temang kanyang inihayag ilang buwan na ang nakalipas, ang paghingi ng isang reporma sa batas ng citizenship.

Matapos ang paglilinaw ukol sa krisis sa ekonomiya at sa mga hakbang na kinakailangan upang matugunan ang krisis, ang Pangulo ay naghayag ng mga pagninilay ng “mga pangunahing suliranin, mahirap at masalimuot ngunit naiisantabi sa kabila ng pagiging mainit na emerhensya nito”.

“Nararamdaman natin araw-araw – ayon sa Pangulo – ang mga makatotohanang limitasyon sa ating lipunan, ang harapin ang kalagayan ng mga mamayang namamaluktot sa kahirapan, mga takot at ang mga kabataang walang tiyak na hanapbuhay. Kasabay nito ang limitasyon nating harapin ang usaping sibil, sa pagharap sa mga hindi makataong kondisyon ng mga bilangguan at ng mga bilanggo, o ng hydrogeological disorders na sanhi ng paulit-ulit na kalamidad sa ating bansa, o sa lumalagong bilang ng mga migrante, kasama ang kanilang mga anak, na mananatiling dayuhan na hindi magkamtan, sa tamang paraan, ang integrasyon.

“Samakatuwid, kinakailangan ang matatalas at agarang desisyon at isang pananaw sa hinaharap – ayon pa kay Napolitano. “Kailangan – dagdag pa nito gamit ang mga salita ng Papa – ang isang bagong “motibadong lakas” sapagkat ito ay nagbibigay ng kinakailangang tapang at direksiyon na may pag-asa sa hinaharap”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Jan 10, deadline ng kontribusyon sa INPS

Mula Enero 30 karagdagang 80 € hanggang 200 € para sa issuance ng mga permit to stay!